• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 testigo sa PhilHealth, binigyan ng immunity ng Senado

Binigyan na ng legislative immunity ng Senado ang tatlong testigong naglahad ng mga katiwalian sa PhilHealth.

 

Mismong si Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang nagkumpirma na pasok sa immunity sina Philhealth board member Alejandro Cabading, dating executive assistant Estrobal Laborte at dating anti-fraud legal officer Thorsson Montes Keith.

 

Ayon kay Sotto, hindi maaaring kasuhan ang mga ito dahil sa kanilang mga salaysay sa loob ng Senate investigation.

 

Maliban dito, bibigyan din sila ng proteksyong pangseguridad ng Senado.

 

Pero lahat umano ito ay babawiin kapag natuklasang nagsisinungaling ang mga testigo.

 

“The exception is if they are found lying in their testimony,” wika ni Sotto.

Other News
  • VP Leni, kuwalipikado na maturukan ng Sinovac COVID-19 vaccine- Sec. Roque

    DAHIL hindi pa naman senior citizen ay kuwalipikado si Vice President Leni Robredo na maturukan ng Sinovac COVID-19 vaccine.   Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na batid naman ng lahat na nagpahayag ng kahandaan ang bise-presidente na makakuha ng COVID-19 vaccine.   Aniya pa, ang edad ni Robredo na 55 ay tama lamang sa […]

  • Pilipinas, maaaring makamit ang ‘upper middle-income status’ sa 2025

    INIHAYAG ni Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan na malamang na maabot ng Pilipinas ang target nitong maging upper middle-income economy sa 2025.     Sa kanyang unang State of the Nation Address noong Hulyo, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hinahanap ng kanyang administrasyon na dalhin ang Pilipinas sa “upper-middle income status by 2024” […]

  • 16 DILG regional offices, ISO-certified na-DILG

    TINATAYANG may  16 regional offices ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pinagkalooban ng International Organization for Standardization (ISO) 9001: 2015 certification.     Ito’y bunsod na rin ng pagtalima ng 16 DILG regonal offices sa quality management system standards.     Sa isang kalatas, sinabi ni  Interior Secretary Benjamin Abalos Jr.  […]