• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Top 2 at 3 Most Wanted Person sa Navotas, nalambat

BINITBIT sa loob ng selda ang dalawang lalaki na listed bilang top 2 at 3 most wanted sa Navotas City matapos matimbog sa magkahiwalay na manhunt operation ng pulisya, kamakalawa sa naturang lungsod.

 

 

Ayon kay Navotas police chief Col. Dexter Ollaging, dakong ala-1:05 ng hapon nang maaresto ng pinagsamang mga tauhan ng Navotas Police Warrant and Subpoena Section (WSS) at Sub-Station 1 sa isinagawang joint manhunt operation si Rommel Morris, 35, pedicab driver, sa kanyang bahay sa Galicia extension St., cor. Lapu-lapu st., Brgy. Bangkulasi, Navotas City.

 

 

Si Morris na listed bilang top 2 most wanted sa lungsod ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Ronald Que Torrijos, Presiding Judge ng Regional Trial Court (RTC) Branch 288, Navotas City, para sa kasong Murder (RPC ART. 248).

 

 

Nauna rito, nadakip din ng mga tauhan ng WSS, Intelligence Section at Sub-Station 4 sa joint manhunt operation si Reynaldo Tagle, 54, sa kanyang bahay sa Blk 34B Lot 45 Phase 2 Area 2 Dagat Dagatan NBBS, Navotas City dakong alas-7:45 ng gabi.

 

 

Si Tagle na listed bilang top 3 most wanted sa lungsod ay inaresto ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest ni Hon. Carlos M. Flores, Presiding Judge ng Regional Trial Court (RTC) Branch 73, Malabon City, para sa kasong Rape under Art, 266 of RA 7610 and VIOL. OF SEC. 5 (B) OF RA 7610. (Richard Mesa)

Other News
  • “Appointed Son of God” na si Quiboloy, kayang ipagtanggol ang sarili sa Korte-Malakanyang

    BILANG PRIBADONG indibidwal, kayang-kayang ipagtanggol ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Pastor Apollo Quiboloy ang kanyang sarili sa korte.     Ang pahayag na ito ni Acting presidential spokesperson Martin Andanar ay matapos na ianunsyo ng United States Department of Justice (US DOJ) na pumayag na ang co-accused ni Quiboloy na makipagtulungan sa US […]

  • Sec. Cruz-Angeles, tinamaan ng Covid, tuloy ang trabaho sa bahay; PBBM, walang close-contact sa kanya

    TULOY ang pagtatrabaho ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles sa kabila ng asymptomatic siya sa COVID 19.     Sa kanyang Facebook account, isang video ang ginawa ni Cruz-Angeles kung saan ay sinabi nito na magpapatuloy siya sa pagtatrabaho habang naka-isolate para maka-recover.     “Magandang umaga. Ako po si Trixie Cruz-Angeles, press secretary. Kahapon nagpa-Covid […]

  • VINTAGE BOMB, NAHUKAY

    ISANG vintage bomb ang nahukay sa isang construction site sa Sta.Cruz, Maynila. Ayon sa Sta Cruz Police Station (PS-3), naghuhukay ang MGS Construction Inc sa bahagi ng Laon Laan Street corner Mendoza Street, Sta. Cruz, Manila nang madiskubre ang isang malaking bakal. Agad itong inireport sa pulisya kung saan napag-alaman na isa itong 155mm Artillery […]