• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

VINTAGE BOMB, NAHUKAY

ISANG vintage bomb ang nahukay sa isang construction site sa Sta.Cruz, Maynila.

Ayon sa Sta Cruz Police Station (PS-3), naghuhukay ang MGS Construction Inc sa bahagi ng Laon Laan Street corner Mendoza Street, Sta. Cruz, Manila nang madiskubre ang isang malaking bakal.

Agad itong inireport sa pulisya kung saan napag-alaman na isa itong 155mm Artillery Projectile

Pinayuhan naman ng pulisya ang construction firm na mag-ingat  sa paghuhukay sa lugar  at agad na ipagbigay alam sa otoridad sakaling mayroon pang madiskubreng kahalintulad na bagay .

Dinala na sa DECU MPD office ang nasabing bomba para sa tamang disposisyon. (GENE ADSUARA)

Other News
  • DFA, nag-abiso ng pagkaantala sa pagpapalabas ng passport

    NAG-ABISO ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa publiko na maaantala ang pagpapalabas ng passports.     “This is due to the maintenance work that is being conducted by its service provider, APO Production Unit, Inc. (APO),” ayon sa DFA.     “The Department of Foreign Affairs (DFA) informs the public that recent passport applications […]

  • SHAKE HANDS SA EVACUATION CENTERS, IWASAN

    IWASAN  ang physical close contact tulad ng shake hands o paghawak ng kamay at pagyakap sa mga evacuation centers. Ito ay paalala ng Department of Health (DOH) sa mga evacuees at mga opisyal na bumibisita sa mga evacuation centers. Sinabi ni Health Usec Maria Rosario Vergeire na maaring nasasabik na ang mga residente  at gustong […]

  • Triggerman, Flying A sali sa Wish Olympics

    ANGKLADO nina Allan ‘Triggerman’ Caidic at Johnny ‘Flying A’ Abarrientos ang Philippine Basketball Association Legends kontra isang celebrity team sa Wish Olympics sa Smart Araneta Coliseum Quezon City bukas, Linggo, Pebrero 23.   Ang isang araw na okasyon ay para sa mga biktima ng pagsabog ng Bulkang Taal noong Enero at inorganisa ng UNTV sa […]