• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nagpi-pray na kayanin ang matinding pagsubok: KRIS, naghahabol ng oras at halos dalawang taon ang aabutin ng gamutan

MAY bagong update si Kris Aquino tungkol sa kanyang kalagayan at patuloy na pagbagsak ng kanyang kalusugan.

 

 

Sa IG post niya, pinost ang video na kung saan sinu-swab siya, kasama ang mahabang explanation kanyang doktor.

 

 

Panimula ni Kris, “Not a long caption:

 

 

“Maraming salamat po sa lahat ng nagdasal for my recovery. Here’s the TRUTH as explained by my attending physician Dr. Niño Gavino, an exceptional Filipino American doctor based in Houston who successfully diagnosed what’s really wrong with my health.

 

 

“i’ll miss you- my friends & followers very much. Time is now my enemy, naghahabol kami hoping na wala pang permanent damage to the blood vessels leading to my heart.”

 

 

Dagdag pa ni Kris na ‘di nawawalan ng pag-asa at patuloy na lumalaban sa kanyang karamdaman, “so many people to thank but I choose to do that privately. #grateful

 

 

“For now and the next few years- sadly, it’s goodbye. Praying na kayanin ng katawan ko itong matinding pagsubok.

 

 

“kahit 17 hours away na kami nila kuya josh & bimb to fly to & the Pacific Ocean separates the PH from USA, i’d still like to end this with #lovelovelove.”

 

 

Pinusuan naman at umapaw ang pagdarasal ng netizens at celebrity friends para malampasan ni Kris ang matinding pagsubok sa kanyang buhay.

 

 

Ilan sa nag-comment sa IG post ni Kris si Judy Ann Santos-Agoncillo at nagsabi ng, “We’ll be praying for your health and recovery kris.. ❤️”
SSay naman ni Kim Chiu: “Love you ate💛💛💛🙏🏻 at “Love you, Tita!” naman ang pinost ni Darren Espanto.
‘Healing prayers’ naman ang komento ni Lorna Tolentino.
Verified
Comment ni Jackielou Blanco, “i will continue to pray for you Kris❤️❤️❤️.”
Ang impersonator naman ni Kris na si Krissy Achino ay nag-comment din ng, “The Lord is the mighty Healer, He will not forsake you, Ms. Kris! Continuously praying for you & your beloved fam po. May God bless you always. Love, love, love!!!”

 

 

Sa rami ng nagdarasal para sa unti-unting paggaling ni Kris kanyang karamdaman, nawa’y mabigyan siya ng lakas at milagro ng Diyos.

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Mahigit 48K outbound passengers, naitala ng Philippine Coast Guard bago ang mismong araw ng Pasko

    MULING  nadagdagan ang bilang ng mga naitatalang pasaherong bumabyahe sa bansa isang araw bagong ang Pasko.     Sa datos ng Philippine Coast Guard, umabot na sa 48,636 ang bilang ng mga outbound passengers habang nasa 47,000 naman na mga inbound passengers ang kanilang naitala mula sa 331 vessels at 535 motor bancas sa lahat […]

  • First four official entries, inihayag na: SHARON, ALDEN, DINGDONG at MARIAN, ilan lang sa pagpapaningning ng ’49th MMFF”

    SA Facebook post ng Metro Manila Film Festival (MMFF), inihayag ang first four official entries para sa ika-49 edisyon ng MMFF na magsisimula sa December 25, 2023.     Sa taon ito ay nakatanggap ang MMFF ng 26 script mula sa 32 production companies.     Kaya naman pinasalamatan ni Don Artes, ang concurrent acting […]

  • IOC tiwalang walang magiging aberya na sa Tokyo Olympics

    Desidido pa rin ang International Olympic Committee (IOC) na ituloy pa rin ang Tokyo 2021 Olympics.   Sinabi ni IOC president Thomas Bach, may mga scenario na silang kinokonsidera para manatili silang ligtas at matuloy ang torneo.   Dagdag pa nito, tuloy-tuloy ang pagsasagawa ng pakikipag-ugnayan ng kaniyang opisina sa mga opisyal ng Japan.   […]