National bowler, handa na para sa ‘new normal’ na paglalaro
- Published on June 10, 2020
- by @peoplesbalita
Sinang-ayunan ng ilang mga national bowlers ang ipapatupad na mga pagbabago kapag nasimulan na muli ang mga laro ng bowling sa bansa.
Sinabi ni Philippine Bowling Federation secretary-general Olivia “Bong” Coo, na mayroon na silang ginawang mga panuntunan para sa “new normal” na pamamaraan ng paglalaro.
Bagamat aminado ito na mahirap ang maglaro ng naka-facemask ay kaniya pa rin itong gagawin dahil ito ang isinasaad sa kanilang panuntunan.
Ilan sa mga dito ay ang pagbabawal na magkaroon ng physical contacts ang mga manlalaro.
Ang nasabing guidelines aniya ay nabuo sa ginawang onilne meeting sa pamumuno ni PBF board president Steve Robles , PBF chairman Senate President Tito Sotto na isa ring bowler , kabilang ang mga national coaches at advisers.
Sinang-ayunan naman ni national bowler Merwin Tan ang nasabing bagong protocols na ipinapatupad.
-
Arroyo inendorso si Romualdez sa Speakership
INENDORSO ni dating pangulo at Congresswoman-elect Gloria Macapagal-Arroyo si Leyte 1st District Representative at Majority Leader Martin Romualdez upang maging House speaker ng 19th Congress. Ayon kay Arroyo, buo ang kanyang suporta para iluklok si Romualdez bilang susunod na House Speaker. Hinimok din nito ang kanilang mga kapartido na suportahan din si Romualdez. […]
-
PruRide bikefest sa Nobyembre
KINANSELA ang PruRide PH sa kaagahan ng taon dahil sa Covid-19, pero nagbago ang ihip ng hangin para sa organizer kaya pepedal pa rin ang bikefest sa virtual edition na nga lang muna sa darating na Nobyembre. “From the physical, ginawa na namin sa virtual. I definitely realized that you can also do so […]
-
Tuloy na tuloy na ang serye nila ni Alden: BEA, inaming na-pitch sa kanya ang ‘Start Up’ na naging rason para maging Kapuso
TULOY na tuloy na ang pagtatambal ng Kapuso actress na si Bea Alonzo at ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa local adaptation ng 2020 South Korean series na Start-Up. Hindi nag-announce ang Kapuso Network na tuloy ang romantic-drama series, hanggang hindi nila naayos ang contract nila in partnership with Korea’s CJEMM. According to Senior Vice President […]