• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sa pelikulang gagawin na ‘Maid in Malacanang’… RUFFA, napipisil ni Direk DARRYL na gumanap na IMELDA MARCOS

HAPPY na ang mga fans ng love team on and off camera na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos na mapapanood na rin ngayong gabi ang kanilang first primetime TV series, ang mystery-romance mini-series na Love You Stranger mula sa GMA Public Affairs.

 

 

Matatandaan na dapat ay noon pa nila nagawa ang project na ito, pero hindi natuloy dahil sa pandemic.

 

 

Puno nga raw ng misteryo ang serye, na magtatampok kina Gabbi as LJ at Khalil as Ben na parehong may itinatagong lihim. Sasamahan sila sa serye ni Gil Cuerva as Tristan. Nasa cast din sina Andrea del Rosario, Carmi Martin, Tonton Gutierrez, Lexi Gonzales, Kim de Leon, Maey Bautista at marami pang iba.

 

 

Sa direksyon nina King Baco, kasama si Irene Villamor as script consultant, mapapanood ito Mondays to Thursdays, 9:35PM, pagkatapos ng Bolera, sa GMA-7.

 

 

Para sa Kapuso abroad, tutukan ang Love You Stranger, sa GMA Pinoy TV.

 

 

***

 

 

NAG-ANNOUNCE na pala si Direk Darryl Yap na si Ruffa Gutierrez ang napisil niya para gumanap sa role ni Madame Imelda Romualdez-Marcos sa movie na may title na Maid in Malacanang na gagawin niya for Viva Films.

 

 

Matagal na pala itong pinag-uusapan, at ngayon ay tuloy na tuloy na ang project at very soon ay magsisimula na silang mag-shooting, matapos makipagkita sina Direk Darryl at Senator Imee Marcos sa Viva Films.

 

 

Happy si Direk Darryl dahil favorable raw ang feedback na si Ruffa ang magiging Madame Imelda, nang i-post niya ito.

 

 

Naku, Direk Darryl, tiyak na hihintayin iyan ng more than 31 million Filipinos kapag ipinalabas na.

 

 

***

 

 

LALO yatang naguluhan ang mga fans ng mag-asawang Tom Rodriguez at Carla Abellana, matapos mag-open muli ng kanyang IG account si Tom, pero hindi nagtagal at dinilete na rin niya.

 

 

May isang fan na parang nakiusap kay Tom na ipaglaban niya si Carla, dahil mahal daw siya nito. Pero sinagot siya ni Tom na hindi raw siya talaga mahal ni Carla.

 

 

May hihintayin pa ba ang mga fans nila, kung ganoong Tom deleted again his IG, at balita ring tuloy na ang filing ng annulment ni Carla kay Tom.

 

 

***

 

 

TODAY, June 6, na pala magri-resume ang taping ng Star-Up PH, ang adaptation ng Korean drama series na tampok sina Bea Alonzo, Alden Richards, Jeric Gonzales at Ms. Gina Alajar.

 

 

Ayon kay Jeric, nakatapos na sila ng first cycle ng taping, at very excited and grateful daw siya sa GMA sa pagbibigay sa kanya ng magandang role sa serye. Makakasama niya for the first time ang nirerespeto niyang aktor na si Alden at ganun si Bea.

 

 

“We’re very happy because the scenes we have done so far are really good,” sabi ni Jeric. “We incorporated our own culture into this adaptation. I’m excited for the people to see what we have been working on.”

 

 

Pero hindi lamang iyon ang ikinatutuwa ni Jeric, na katatapos lamang tumanggap ng Best Actor awards sa dalawang international film festivals abroad, one of his longtime dreams.

 

 

At ang inspirasyon niya ngayon, ang girlfriend na si Rabiya Mateo, “na when she came into my life, I felt more driven to hone my talent, build my career and focus on achieving my goals. My dream ay ang magkatrabaho kami ni Rabiya sa isang acting project.”

 

 

Very soon ay mapapanood na ang Start Up sa GMA Telebabad, na dinidirek nina Jerry Sineneng at Dominic Zapata.

 

 

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Nicholas Hoult Tries to Get Rid of Over-Dependent and Narcissistic Boss in ‘Renfield’

    Horror-comedy “Renfield” spurts non-stop action and thrills in its latest trailer reveal featuring Nicholas Hoult taking on the titular role as Dracula’s loyal and highly-stressed servant.   “Renfield” is a modern monster tale of Dracula’s loyal servant, Nicholas Hoult (Mad Max: Fury Road, X-Men franchise) stars as Renfield, the tortured aide to history’s most narcissistic […]

  • Pinoy boxers biyaheng Thailand na

    Tutulak na patungong Thailand ang national boxing team upang doon ipagpatuloy ang paghahanda nito para sa iba’t ibang international tournaments.     Nangunguna sa listahan si Tokyo Olympics qualifier Irish Magno gayundin sina world champion Nesthy Petecio at Carlo Paalam na parehong naghahangad na makahirit ng tiket sa Olympics.     Diretso sa Bangkok ang […]

  • DOTr, itutuloy ang naudlot na railway projects sa tulong ng South Korea, Japan at India

    PINAG-AARALAN ng Department of Transportation (DOTr) na ipagpatuloy ang dating mga railway projects na suportado ng China.     Ito ay sa pamamagitan ng official development assistance (ODA) mula sa South Korea, Japan, India.     Gayundin sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga pribadong sektor.     Sinabi ni DOTr Secretary Jaime Bautista na ang […]