• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mt. Bulusan, sumabog; Alert Level 1, itinaas!

NAGKAROON  ng phrea­tic eruption ang bulkang Bulusan sa Sorsogon nitong Linggo ng umaga sanhi upang itaas ng Phi­lippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang alert status nito sa Alert Level 1 o low-level unrest, mula sa dating 0 lamang o normal.

 

 

“Alert Level 1 status is now raised over Bulusan Volcano, which means that it is currently in an abnormal condition,” anang Phivolcs.

 

 

Ayon kay Phivolcs Director and Science Undersecretary Renato Solidum Jr., ang phreatic eruption ay nagsimula alas-10:37 ng umaga at nagtagal ng 16 na minuto.

 

 

Nagkaroon ng phrea­tic eruption ang bulkang Bulusan sa Sorsogon nitong Linggo ng umaga sanhi upang itaas ng Phi­lippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang alert status nito sa Alert Level 1 o low-level unrest, mula sa dating 0 lamang o normal.

 

 

“Alert Level 1 status is now raised over Bulusan Volcano, which means that it is currently in an abnormal condition,” anang Phivolcs.

 

 

Ayon kay Phivolcs Director and Science Undersecretary Renato Solidum Jr., ang phreatic eruption ay nagsimula alas-10:37 ng umaga at nagtagal ng 16 na minuto.

 

 

Dahil dito, kusang nilisan na ng ilang residente sa mga bayang nakapaligid sa Mount Bulusan ang kanilang mga tahanan, lalo’t umabot na sa ilang komunidad ang ashfall.

 

 

May mga naiulat ding ashfall sa Juban at Casiguran, gayundin sa apat na barangay ng Irosin.

 

 

Ligtas at agad namang nakababa sa bulkan ang 14 mountainers mula sa Calabarzon area at Metro Manila kasama ang apat na local tour guide na umakyat galing sa bayan ng Barcelona.

 

 

Hindi pa nagpapatupad ng forced evacuation sa lugar pero naglibot naman ang mga tauhan ng Barangay Cogon sa Irosin para mamahagi ng face mask at tinututukan na rin ang sitwasyon.

 

 

Naobserbahan din aniya nila ang pagdami ng volcanic earthquakes sa bulkan nitong nakalipas na magdamag na umabot sa 77.

 

 

Kaugnay nito, pinaalalahanan naman ni Solidum ang mga residente na iwasan ang four-kilometer radius ng permanent danger zone. (DARIS JOSE)

Other News
  • Next na Valdez, Santiago hahagilapin ng PNVFI

    BUBUHAYIN ni Philippine National Volleyball Federation Inc. (PNVFI) President Ramon ‘Tats’ Suzara ang age-group indoor volleyball upang makatuklas ng mga susunod sa kasalukuyang mga sikat na balibolista.  Ilan sa mga ito ang kagaya nina Premier Volleyball League (PVL) standout Alyssa Valdez, mag-ate na sina Philippine SuperLiga (PSL) veterans Alyja Daphne ‘Jaja’ Santiago at Aleona Denise […]

  • Usap-usapan ang pagdalo sa house blessing: ALDEN, seryoso at kumpirmadong nanliligaw na kay KATHRYN

    USAP-USAPAN na nga ngayon sa social media ang mga viral photos at videos nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na kilala rin bilang KathDen, na kuha sa naganap na house blessing ng Kapamilya actress.  Sa isang video ay makikitang masayang nagsasayaw si Kathryn habang nakatitig lang sa kanya si Alden. Naging abala rin si Alden […]

  • Pilipinas magpapadala ng 584 na atleta sa Hanoi SEA Games

    AABOT sa 584 na atleta ang ipapadala ng bansa na sasabak sa 31st Southeast Asian Games na gaganapin sa Hanoi, Vietnam sa buwan ng Mayo.     Bukod pa dito ay mayroong 80 iba pa ang nasa appeals list na sasamahan sila ng 161 officials.     Sinabi ni Philippine Olympic Committee president Abraham Tolentino, […]