Next na Valdez, Santiago hahagilapin ng PNVFI
- Published on February 13, 2021
- by @peoplesbalita
BUBUHAYIN ni Philippine National Volleyball Federation Inc. (PNVFI) President Ramon ‘Tats’ Suzara ang age-group indoor volleyball upang makatuklas ng mga susunod sa kasalukuyang mga sikat na balibolista. Ilan sa mga ito ang kagaya nina Premier Volleyball League (PVL) standout Alyssa Valdez, mag-ate na sina Philippine SuperLiga (PSL) veterans Alyja Daphne ‘Jaja’ Santiago at Aleona Denise ‘Dindin’ Santiago-Manabat, Abigail ‘Aby’ Marano at iba pa.
“Bring back again the age-group championship. Iyong mga inter-elementary championship, inter-secondary, inter-collegiate, national open,” giit ni Suzara sa isang katatapos na weekly sports session sa FaceBoook page.
Hinirit pa opisyal na hindi na rin solo ng coach ang trabaho sa pagbalangkas sa national team. Sasama na aniya ang mga magiging miyembro sa national selection committee.
Kababasbas lang kay Suzara at sa PNVFI ng International Volleyball Federation (FIVB), Asian Volleyball Confederation (AVC) at Philippine Olympic Committee (POC) bilang bagong national sports association ng balibol na kasapi sa mga organisasyon. (REC)
-
Handog ng ‘Tadhana’ ang three-part 5th anniversary special: MARIAN, buong puso ang pasasalamat sa mga walang sawang sumusubaybay
IBA ang dating talaga ni Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza sa pagganap niya bilang isang Gen Z, si Maria Clara o si Klay, sa historical drama portal ng GMA Network, ang “Maria Clara at Ibarra”, napapanoood pagkatapos ng “24 Oras.” Gabi-gabi ay nagti-trending ang nasabing bagong proyekto ni Direk Zig Dulay, at hindi pwedeng mawala sa […]
-
Warriors star Stephen Curry at asawa muling ikinasal
Muling ikinasal si Golden State Warriors star Stephen Curry at asawa nitong si Ayesha. Isinagawa ang renewal of vows bilang bahagi ng kanilang 10th wedding aniversary. Sa social media account ni Ayesha ay nagpost ito ng mga larawan. Isa umanong surpresang renewal of vow ang ginawa ng NBA star. […]
-
NCAP: Magandang konsepto subalit kailangan baguhin, dapat repasuhin!
ISANG dating opisyal ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang nagsabing hindi siya ayon sa mga mungkahi na tanggalin ang pagpapatupad ng no-contact apprehension policy (NCAP) sa mga pangunahin lansangan sa Metro Manila. Ang bagong elected na Rizal Rep. Jojo Garcia at dating MMDA general manager ang hindi sumasangayon na alisin ang NCAP […]