• November 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Minimum wage hikes sa Calabarzon at Davao region aprubado na rin – DOLE

INAPRUBAHAN  na rin ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ang daily minimum wage sa mga manggagawa sa Region IV-A.

 

 

Ayon sa report ni Exequiel Ronnie Guzman, regional director ng Department of Labor and Employment (DOLE IV-A) may dagdag na P47 hanggang P97 ang matatanggap sa mga daily minimum wage earners.

 

 

Inaasahang aabot sa humigit kumulang sa anim na milyong mga manggagawa ang magbebenipisyo sa wage hike sa mga lugar ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.

 

 

Ang pay hike sa Calabarzon ay ibibigay sa dalawang tranches kung saan ang una ay pagkalipas ng 15 araw sa publication at ang ikalawa naman ay makalipas ang anim na buwan.

 

 

Samantala ang RTWPB sa Davao region ay nag-anunsiyo na rin sa pag-apruba ng P47 na taas sa daily minimum wage ng mga manggagawa sa lahat ng sektor.

 

 

Ang resolution ng RTWPB ng Calabarzon at Davao region ay isusumite sa National Wages Productivity Commission para sa pag-review at pag-apruba.

 

 

Kaugnay nito, epektibo na rin ngayong araw ang dagdag-sahod na P33 para sa mga manggagawa sa National Capital Region (NCR).

Other News
  • Charles III, nagpaabot kay PBBM ng “warmest felicitations” para sa ina nitong si Unang Ginang Imelda Marcos

    SINABI ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr.  na magkakilala ang kanyang ina na si Unang Ginang Imelda Marcos at  King Charles III.     Sa katunayan aniya ay tinanong at kinamusta ni King Charles III ang kanyang ina sa idinaos na coronation  nitong weekend.     Ikinuwento ng Pangulo na matagal ng magkakilala ang kanyang ina […]

  • Ex- Taguig Mayoral at Congressional bet, nahaharap sa kaso

    NAGSAMPA ng kasong sedition o panggugulo ang isang grupo sa magkapatid na Arnel at Allan Cerefica, pawang mga talunang kandidato sa pagka-Mayor at Congressman noon 2019 midterm election.   Bukod sa kasong sedition, iba pang mga kasong kriminal kagaya ng inciting to sedition, illegal assemblies, public disorder at violation of BP No. 880 ang isinampa […]

  • Malakanyang, idinepensa ang pagtaas ng travel expenses ni PBBM

    IDINEPENSA ng Malakanyang ang makabuluhang pagtaas ng  travel expenses ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr.     Sa katunayan, sa isang kalatas, sinabi ng Presidential Communications Office  na ang ‘increase’  o paglaki ng  travel expenses ay sumasaklaw sa local at foreign travels.     Nauna rito, iniulat ng Commission on Audit (COA) ang pagtaas ng 1,453% […]