• June 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ex- Taguig Mayoral at Congressional bet, nahaharap sa kaso

NAGSAMPA ng kasong sedition o panggugulo ang isang grupo sa magkapatid na Arnel at Allan Cerefica, pawang mga talunang kandidato sa pagka-Mayor at Congressman noon 2019 midterm election.

 

Bukod sa kasong sedition, iba pang mga kasong kriminal kagaya ng inciting to sedition, illegal assemblies, public disorder at violation of BP No. 880 ang isinampa laban sa magkapatid ng mga miyembro ng Jeepney Operators and Drivers Association (JODA) at Taguig taxpayer sa Taguig City Prosecutor’s Office kaugnay sa serye ng “illegal assemblies and public and tumultuous uprisings” na naganap noong May 14 at 23, 2019.

 

Ang mga umano’y illegal assembly ay nangyari matapos lumabas ang resulta ng eleksyon kung saan nanguna sina dating Senator Alan Peter Cayetano at Congressman and filmaker Lino Cayetano ng malaking puntos kontra sa Cerafica brothers.

 

Parehong mga kaso rin ang isinampa laban kay Andre Polo alias Dre Guez Polo, Gloria Polo, Maria Luisa Roja, Oliver Dinco, Atty. Glenn Chong, Theresa Estanislao Reyes, Jheny Perey Orellana, Karen Mercado, Yolly Lacsaron, Daniel Galmarin, Baby Celso, alias Annie Marie, alias Ma. Fatima, alias Florinda at ilan pang mga John at Jane Does.

 

Sa pagsampa ng kaso, sinabi ng mga complainant na ang magkapatid na Cerafica at ang kanilang grupo ay iligal na pinagbawalan ang Taguig City officials na gampanan ang kanilang mga trabaho nang magkaroon ng iligal na pagtitipon sa mismong kahabaan ng Pedro Cayetano Boulevard, na isang public road, noong May 14. Pawang walang permit ang mga naturang pagtitipon na ikinainis ng mga na-stranded na residente.

 

Ayon pa sa reklamong isinampa, ang Cerafica brothers ay nagtawag umano ng pagkilos upang ipakita ang galit o “infliction of acts of hate” sa mga public officers, at meron pang mga binitawang mga libelous na salita laban sa gobyerno dahil umano sa dayaan sa 2019 elections.

 

“The tumultuous nature of the illegal assemblies is readily apparent from the use of loud speakers, blaring of music, honking of horns and loud shouts of respondents John and Jane Does,” ayon sa isang complainant.

 

“Respondents have committed a series of actual overt acts showing a concerted and systematic criminal design and purpose to perpetrate the crimes charged…,” dagdag pa sa reklamo.

 

“We understand that where the acts collectively and individually demonstrate the existence of a common design towards the accomplishment of the same unlawful purpose, conspiracy is evident and all the perpetrators will be liable as principals,” saad pa sa kasong isinampa. (Gene Adsuara)

Other News
  • Ads June 10, 2020

  • MGA PASAHERO sa KAHABAAN ng COMMONWEALTH AVENUE, PATULOY ANG SAKRIPISYO SA PAGSAKAY ng PUBLIC TRANSPORT

    Ang Commonwealth Avenue ang sinasabing pinakamalapad na highway sa Metro Manila.  Naguumpisa ito sa may Quezon Memorial Circle hanggang sa may Quirino highway.   Ang kabuuan nito ay sakop ng Quezon City at ang kabilaang banda ay ang pinakamalalaking barangay ng Quezon City – Old Capitol site, San Vicente, UP Campus, Culiat, Matandang Balara, Commonwealth, […]

  • Navotas nakapagbakuna na ng 101% kontra polio

    NAKAPAGBAKUNA na ang Navotas ng aabot sa 101 porsiyento ng target na populasyon nito para sa Chikiting Ligtas 2024, ang nationwide bivalent Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity (bOPV-SIA) na pinangunahan ng Department of Health.     Ang Navotas ang kauna-unahan sa mga lungsod sa CAMANAVA ang nakaabot na sa target nito kung saan nakapagtala […]