• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Marcos Jr. ‘higit P623-M’ nagastos sa eleksyon ayon sa kanyang SOCE

INIHAIN na ng kampo ni president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Commission on Elections (Comelec) ang kanyang statement of contribution and expenditures (SOCE) — bagay na nagdedetalye sa kanilang mga nagastos para sa eleksyong 2022.

 

 

Ayon sa kanyang SOCE, Martes, P623,230,176.68  ang nagastos nina Bongbong mula sa natanggap na P624,684,320.09 kontribusyon.

 

 

Narito ang breakdown ng gastusin nina Bongbong:

 

mula sa sariling bulsa ni Marcos Jr. (P0.00)

 

mula sa cash contributions (P371,795,856.59)

 

mula sa mga in-kind contributions (P251,434,320.09)

 

 

Ang P623.23 milyong ito ay pasok pa rin sa P674 milyong “spending limit” na alinsunod sa Republic Act 7166 para sa mga kumandidato sa pagkapangulo at pagkabise presidente.

 

 

Sa ilalim kasi ng naturang batas, P10 kada rehistradong botante lang ang pwedeng gastusin ng isang kandidato sa pagkapangulo. Sinasabing 67,442,714 ang rehistradong botante noong ika-9 ng Mayo.

 

 

 

Ganito naman ang itsura ng mga natanggap nilang kontribusyon:

 

cash contributions mula sa “other sources” (P373,250,000)

 

in-kind contributions mula sa “other sources” (P4,200,000)

 

cash contributions mula sa partido (P0.00)

 

in-kind contributions mula sa partido (P247,234,320,09)

 

 

Lunes lang nang sabihin ng Partido Federal ng Pilipinas, na kinabibilangan ni Marcos Jr., na umabot lang sa P272 milyon ang nagastos nila para sa eleksyong 2022.

 

 

Dati nang inaakusahang nagpapatakbo ng “troll farms” — na nangangailangan ng malaking pondo — si Marcos Jr. dahil sa mga naglipanang disinformation tungkol sa kanilang pamilya sa social media, bagay na kanyang itinatanggi.

 

 

 

Kilala ang pamilya Marcos para sa ill-gotten wealth lalo na noong panahon ng diktadurya ng kanyang amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., bagay na kinikilala sa Supreme Court decisions noong 2003, 2012 at 2017.

 

 

 

Ngayong ika-8 ng Hunyo, ang deadline ng pagpapasa ng SOCE ng mga kumandidato noong 2022.

 

 

 

Iprinoklama ng Kongreso bilang susunod na pangulo si Marcos matapos umani ng 31.62 milyong boto. (Daris Jose)

Other News
  • 1 ARESTADO NG NBI SA PAGBEBENTA NG ENDANGERED WOOD SPECIES

    ARESTADO ng mga ahente ng National Bureau of Investigation-Environmental Crime Division (NBI-EnCD) ang isang lalaki na naaktuhan na nagbebenta ng endagered wood species na “Agarwood”,isang uri ng kahoy ,ginagamit sa paggawa ng mamahaling pabango,kamakalawa sa may North Fairview,Quezon City.   Ayon kay NBI Officer-in-Charge (OIC) Director Eric B. Distor ,nakumpiska ang may 6.46 kilos na […]

  • Panelo, binuweltahan si Trillanes

    BINUWELTAHAN ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo si dating Senator Antonio “Sonny” Trillanes IV makaraang bansagan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte bilang “narcissist”.   “Palibhasa kasi pag nakikita nitong dating senador na ito ang sarili niya sa salamin, nakikita niya ‘yung paglalarawan niya kay Presidente actually ang nilalarawan niya siya ,” ang pahayag ni Panelo sa kanyang […]

  • Tsina, muling sinisisi ang Pinas sa tensyon sa South China Sea

    SINISISI ng Tsina ang Pilipinas sa sinasabing non-adherence o hindi pagsunod sa kasunduan sa South China Sea dahilan ng pagtaas ng tensyon sa katubigan.     Kinuwestiyon kasi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang umiiral na “gentleman’s agreement.”     Hindi naman direktang nag-komento ang Chinese Embassy in Manila sa tahasang pagtanggi ni Pangulong Marcos […]