• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

1 ARESTADO NG NBI SA PAGBEBENTA NG ENDANGERED WOOD SPECIES

ARESTADO ng mga ahente ng National Bureau of Investigation-Environmental Crime Division (NBI-EnCD) ang isang lalaki na naaktuhan na nagbebenta ng endagered wood species na “Agarwood”,isang uri ng kahoy ,ginagamit sa paggawa ng mamahaling pabango,kamakalawa sa may North Fairview,Quezon City.

 

Ayon kay NBI Officer-in-Charge (OIC) Director Eric B. Distor ,nakumpiska ang may 6.46 kilos na agarwood na.may market value na P1,055,557.54 sa suspek na si Rafael Favia.

 

Nag -ugat ang operasyon ng NBI matapos makatanggap ng intelligence report na may isang grupo ang nagbebenta bg Agarwood. Sanhi nito,nagsagawa ng surveillance

 

Ang NBI at nang makuha ang contacts number ng suspek ay ikinasa ang buy bust operation.

 

Nagkasundo ang NBI-EnCD at suspek na bumili muna ng halagang P40,000 ng Agarwood .

 

Kasama ng NBI-ENCD ,ang ilang tauhan ng DENR-Biodiversity Management Bureau (DENR-BMB) at DENR-National Capital Region (DENR-NCR) nang magtungo sa lugar para sa entrapment operation.

 

Dalawang undercover agent sng umaktong buyer at.kalaunan ay dumating si Fabian sakay ng van at ipinakita sa undercover agent ang bulto ng agarwood.

 

Sa puntong ito ay inaresto na si Fabia at nakumpiska ang aabot umano sa P10,555,575.40 ang kabuuang danyos na kumakatawan sa Environmental Fee , forest charges at environmental damages ng forest products at pagdadala nito ng walang permit na 10 beses na mas malaki sa market value ng nakumpiskang Agarwood.. Sinampahan ng kasong paglabag sa Section 77 (formerly Section 68) of P.D. 705, as amended by E.O. 277 and R.A. 7161, kilala bilang “Wildlife Forestry Code of the Philippines; at violation of Section 27 (e) and (f) of R.A. 9147 otherwise known as “Wildlife Resources Conservation and Protection Act” sa Quezon City Prosecutor Office si Fabia. (GENE ADSUARA)

Other News
  • 111 milyong Pinoy naserbisyuhan ng PhilHealth

    NASA 111 milyong Pinoy sa buong bansa ang naserbisyuhan na ng PhilHealth.     Ang ulat ay isinagawa sa ipinatawag na virtual press conference ng mga opisyal ng PhilHealth sa pangunguna ni President and CEO Atty. Dante Gierran, VP Dra. Shirley Domingo, EVP and COO Atty. Eli Dino Santos, SM Rex Paul Recoter, Dra. Mary […]

  • PNP chief dinepensa ang pagbitbit ng mga pulis ng armas kahit day-off

    Dinepensa ni PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar ang pagbitbit ng mga pulis ng armas kapag sila ay naka off duty at ipaiwan ito sa mga opisina.   Ayon kay PNP Chief, kahit naka-off duty ang Pulis ay may tungkulin pa rin itong rumesponde sa anumang emergency partikular kung may krimen kaya’t makabubuting dala nito ang […]

  • Gilas Pilipinas nangangalabaw ‘Calambubble’ training camp

    MARIING tinapakan na ng Gilas Pilipinas o national men’s basketball training pool ang silinyador sa pag-eensayo sa Inspire Sports Academy bubble sa Calamba, Laguna nitong Lunes, Pebrero 8 ngayong wala ng isang linggo bago umalis sa darating na Lunes, Peb. 15.     Kaugnay ito sa sasabakan ng PH quintet na third and final window […]