Vaccination accomplishment ng administrasyong Duterte, malaking ambag na maiiwan sa susunod na Administrasyon – NTF against COVID 19
- Published on June 10, 2022
- by @peoplesbalita
MAITUTURING na malaking ambag para sa papasok na administrasyong Marcos ang maiiwang accomplishment ng Duterte administration sa usapin ng pagbabakuna.
Sinabi ni National Task Force Against COVID 19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Talk to the People ng huli, Lunes ng gabi, maikukunsiderang malaking kontribusyon na ang higit 70 milyong mga indibidwal na nakatanggap na ng bakuna.
Sinabi ni Galvez na “best scenario” na maituturing na bago matapos ang Duterte Administration ay may 75 million nang mayroong 1st dose ng bakuna at nasa 70,087,920 naman ang fully vaccinated.
“So ‘yung honest accomplishment po natin, evaluation is ang 4-week first dose average po natin, Mr. President, ay 321,083 dose per week. Meaning ‘yung ating first dose average ay humihigit lang po na more than 300,000. Iyong ating 4-week second dose average sa ating second dose naman ay 242,606 doses,” ayon kay Galvez.
“So ‘yung atin pong best-case scenario na bago po tayo matapos ang ating administrasyon, ang nakikita po namin ang pinaka-honest-to-goodness na aming assessment sa individuals with at least one dose, 75 million po tayo; and then ‘yung fully vaccinated po ay 70,087,920,” aniya pa rin.
Sinabi ni Galvez sa Pangulo na 70 million talaga ang orihinal na target subalit itinaas sa 90 million dahil na din sa nuoy tumaas na transmission ng variant.
Kaya di man aniya nangyari ang target na 90 milyon, sinabi ni Galvez na nakamit naman ang orihinal na target na 70 million.
“Noong tiningnan po namin, Mr. President, ‘yung ating original na talagang target, so sa ating National Vaccination Plan ay talagang ang ating target lang po ‘yung 70 million. Dahil noong nakita po natin na medyo tumataas po ‘yung ating transmission sa variant, tinaas po natin ng 90 million. Pero nakita po natin na talagang ‘yung 70 million po na nagawa po natin gusto nating pasalamatan ang National Vaccination Operations Center dahil kasi napakalaki na po nitong naiambag po natin sa susunod na administrasyon,” aniya pa rin. (Daris Jose)
-
Memorable sa kanya ang first worst date: GABBY, nahirapang sagutin kung sinu-sino ang ‘perfect 10’
MASAYANG nagkuwento si Gabby Concepcion sa ilang personal na bagay sa pinakabago niyang video sa kanyang YouTube channel. Ilan sa ibinahagi niya sa kanyang vlog ay tungkol sa pakikipag-date, crushes, at marami pang iba. Ayon sa 58-year old former ‘80s heartthrob, memorable sa kanya ang naging first date niya dahil ito […]
-
EJ Obiena desididong magtapos ng kolehiyo
DESIDIDO si Filipino pole vaulter EJ Obiena na tapusin ang kaniyang college degree sa University of Santo Tomas. Sinabi nito na nagsusumikap pa rin siyang makuha ang diploma sa kursong Electronic Engineering. Nag leave of absence muna ito para pagtuunan ng pasin ang kaniyang paglalaro sa pole vault. Sa […]
-
May covid o wala, tuloy ang takbo ng ekonomiya- Sec. Roque
“Covid or no Covid tuloy po ang pagtakbo ng ating ekonomiya.” Ito ang bahagi ng mensahe ni Presidential spokesperson Harry Roque sa isinagawang 10 million Fully Vaccinated Filipinos sa 5th Level Megatrade Hall, SM Megamall noong Huwebes, Agosto 5. “Bukas magsisimula naman po tayo ng ECQ. Ngunit hindi po ibig sabihin na magsasara […]