• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Donaire aminadong nayanig kay Inoue

INAMIN ni Nonito “The Filipino Flash” Donaire na bukod tanging si Japanese fighter Naoya Inoue ang naglatag ng pinakama­lakas na suntok na kanyang tinamo sa kanyang buong boxing career.

 

 

Lumasap si Donaire ng second-round knockout loss kay Inoue para ipaubaya na ang kanyang World Boxing Council (WBC) bantamweight belt kamakalawa ng gabi sa Saitama, Japan.

 

 

Dahil dito, si Inoue na ang nagmamay-ari ng tatlong korona — ang WBC, ang World Boxing Association (WBA) at International Boxing Federation (IBF).

 

 

“That was the hardest punch I’ve ever been hit with. I came up completely blank,” pahayag ni Donaire.

 

 

Sinubukan nitong ma­kipagsabayan subalit hindi nito nagawang makasabay sa bilis at liksi ng Japanese pug.

 

 

“When I got hit I didn’t even know I got dropped. I didn’t see that punch co­ming at all because I was trying to counter him and got caught. That was pretty much it,” ani Donaire.

 

 

Pinuri ni Donaire ang magandang ipinamalas ni Inoue na tunay na naghanda sa laban.

 

 

“He’s an amazing fighter and I’m glad I got to share the ring with him. Inoue got me really good and I’m glad the referee stopped the fight as I was always going to stand up — I just don’t have any quit in me,” ani Donaire.

 

 

Sa kabila ng kabiguan, masaya na si Donaire na wala  itong tinamong ma­tinding injury at ligtas ito sa anumang kapahamakan.

Other News
  • Oktoberfest sa Valenzuela City

    BILANG bahagi ng pagdiriwang ng 400th Founding Anniversary ng Valenzuela City, opisyal na binuksan sa pamamagitan ng ribbon-cutting ceremony at ceremonial toast sa pangunguna ni Mayor Wes Gatchalian, Vice Mayor Lorie Natividad-Borja at mga representative mula sa San Miguel Brewery Inc ang unang Oktoberfest na ginanap sa C.J. Santos St., Brgy. Malinta, Valenzuela City kung […]

  • HONEY LACUNA AT YUL SERVO, NAGHAIN NG COC BILANG MAYOR AT VICE MAYOR SA MANILA

    NAGHAIN na ng kandidatura si Manila Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan ng kanyang certificate of candidacy (COC) para sa pagka-Alkalde ng lungsod ng Maynila sa darating na 2022 election.      Kasama ni Lacuna ang kanyang running mate na si 3rd District Congressman Yul Servo Nieto sa paghahain ng kanilang kandidatura sa comelec kung […]

  • JAO, hangang-hanga kay RHEN at nagpapasalamat kay ROSANNA sa pag-alalay sa kanya noon

    SA digital mediacon ng erotic love story na  Paraluman na mula sa award-winning thriller and horror-film director na si Yam Laranas, natanong namin ang nagbabalik-bida sa pelikula na character actor na si Jao Mapa, tungkol sa paggawa niya ng daring scenes noon with Rosanna Roces sa Matrikula at ngayon naman kay Rhen Escano.     […]