US, nakahandang suportahan ang PH tungo sa transition para sa renewable energy
- Published on June 11, 2022
- by @peoplesbalita
NAKAHANDANG tulungan ng Estados Unidos ang Pilipinas sa transition nito tungo sa pagkakaroon ng renewable energy.
Sa pagbisita ni US Deputy Secretary of State Wendy Sherman sa Department of Foreign Affairs (DFA), sinabi ng opisyal na ang renewable energy ay kritikal para sa buong mundo maging sa seguridad ng ating planeta. Ito rin aniya ang nagiging tampulan ng paksa sa bawat gobyerno sa mga bansang kanyang napupuntahan.
Kinikilala rin ng US top official ang pagnanais ng mga gobyerno sa buong mundo kabilang na ang Pilipinas na subukan ang pagtransition sa renewable energy sa pamamagitan ng solar, wind at ng isang safe at effective na small modular nuclear reactors.
Kung kaya’t malugod aniya ang US na makapagbigay ng technical assistance at experts na tutulong para maisakatuparan ang naturang transition.
Ipinaubaya naman na ni Sherman ang pagbibigay ng detalye kay President-elect Marcos hinggil sa kanilang napag-usapan hinggil sa planong pag-revive ng Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) sa kanilang naging bilateral meeting.
Ngunit sinabi si Sherman na kanilang napag-usapan ang lahat ng elemento may kaugnayan sa clean energy future.
Nauna ng sinabi ni Marcos na bahagi ng kanyang agenda ang muling pagbuhay sa BNPP bilang karagdagang source ng malinis at murang suplay ng kuryente. (Daris Jose)
-
Lolo tigbak sa mixer truck
Todas ang isang 64-anyos na lolo matapos mahagip ng mabilis ang takbo na mixer truck sa Caloocan city, kamakalawa ng hapon. Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Samuel Mina, binawian ng buhay habang ginagamot sa Jose Reyes Medical Center sanhi ng tinamong pinsala sa ulo ang katawan ang biktimang si Joey Maguire ng […]
-
SHARON, nakabalik na at inamin na may matinding pinagdaraanan kaya humihiling na ipagdasal
AFTER two months na vacation sa Amerika, nakabalik na ng bansa si Megastar Sharon Cuneta. First day of August siya dumating at ngayon ay sumasailalim pa sa mandatory 10-day quarantine sa isang bonggang hotel. Sa kanyang Instagram post, “Arrived back home in Manila very quietly at 4 something in the morning on August […]
-
Pacman, kargado na ng protina ang pagkain, ilang araw bago ang laban
Nananatili umanong agresibo sa nalalapit na laban si 8-division world boxing champion Sen. Manny Pacquiao, kahit naudlot ang laban kay American undefeated boxer Errol Spence at ipinalit si Yordines Ugas. Ayon sa isa sa tagaluto ng team Pacquiao na si Cliff Ramat Manzano hindi nagbago ang gilas ng fighting senator. Kaya […]