Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (UMA), binatikos ang ginawang pagbaba sa taripa
- Published on June 11, 2022
- by @peoplesbalita
BINATIKOS ng Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (UMA) ang ginawang pagbaba sa taripa na ipinapataw sa pag-aangkat ng bigas mula India na dating 50% taripa ay 35% na lamang ngayon.
Tugon umano ito sa naulinigang plano ng Thailand at Vietnam na taasan ang presyo ng kanilang bigas at magtaguyod ng rice cartel.
Ayon kay Agriculture (DA) undersecretary Fermin Adriano, kung mahirapan na ang Pilipinas mag-angkat ng makakain mula sa dalawang bansa ay may alternatibong pagkukuhanan ng bigas sa India.
Ngunit sa pananaw ng UMA, hindi ba dapat tratuhin itong hudyat para palakasin ang lokal na produksyon ng palay imbis na lumipat lamang ng pag-aangkatan ng bigas.
Ayon sa pederasyon, self-reliance o pansandig sa sariling kakayahan ang wastong tugon sa kawalan ng seguridad sa pagkain at hindi importasyon.
Sinabi ni Antonio Flores, chairperson ng UMA, 1.2 milyong ektarya ng lupaing agrikultural ang nakatali sa agri-business venture arrangements (AVAs). Ang AVA ay kasunduan ng korporasyon sa pesante, karaniwang agrarian reform beneficiary (ARB), kung saan ang kontrol sa lupa ay kinukuha ng una sa huli. Diktado umano ng korporasyon kung ano ang itatanim sa lupa ng ARB.
Idinagdag ni Flores na nasa Mindanao ang karamihan sa 1.2m ektaryang lupain na ito na matatagpuan sa mga plantasyon ng mga dambuhalang korporasyon.
Diin ni Flores, dahil kita ang mas mahalaga sa mga korporasyon kaysa staple foods para sa lokal na populasyon, high-value crops (HVCs) ang prayoridad nitong itanim sa mga plantasyon gaya ng pinya, Cavendish banana, oil palm, at tubo.
Kaya naman aniya na ultimo bigas ay inaangkat na, dahil maski palayan ay napipilitang magbigay-daan sa HVCs.
Pahabol pa niya, hindi makakamit ng paparating na administrasyong Marcos ang pangako nitong P20 na kilo ng bigas kung walang pagsandig sa sariling kakayahang magprodyus ng pagkain ang bansa. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)
-
Nasa Los Angeles nang maganap dahil sa ‘BET Awards’: MARIAH CAREY, nanakawan na naman at sa bahay niya sa Atlanta, Georgia
NILOOBAN ng mga magnanakaw ang bahay ni Mariah Carey sa Atlanta, Georgia. Ayon sa ginawang imbestigasyon, tatlong lalake ang inaresto na may koneksyon sa pagnanakaw sa bahay ni Mariah. May force entry na ginawa sa back door ng bahay ng singer. Heto ang official statement ng Sandy Springs Police Department: “The Miami-Dade Police […]
-
DepEd: Walang pasok mula May 2-13 sa public schools ‘dahil sa halalan’
SUSPENDIDO ang mga klase mula Kinder hanggang Grade 12 sa buong Pilipinas sa halos kalahati ng buwan ng Mayo kaugnay ng ikakasang pambansang eleksyon 2022, ayon sa Department of Education (DepEd). “Walang pasok ang mga mag-aaral sa lahat ng antas sa mga pampublikong paaralan mula May 2-13, 2022,” paalala ng Kagawaran sa publiko, […]
-
SERBISYO SA KALUSUGAN NG BANSA, HAMON NG SIMBAHAN
HINAMON ng simbahan ang pamahalaan na tutukan ang pagpapaayos ng serbisyo ng kalusugan ng bansa. Ayon kay Fr. Dan Cancino, MI, executive secretary ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Health Care, dapat paglaanan ng pondo para sa sektor ng kalusugan ng Pilipinas lalo na sa mga mahihirap. Ito […]