• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P500 monthly ‘ayuda’ , iro-roll out bago matapos ang termino ni PDu30

TARGET ng gobyerno na  i-rollout ang ipalalabas na P500 monthly cash aid  para sa mga low income families  bago matapos ang termino ni Pangulong  Rodrigo Roa  Duterte ngayong buwan.

 

 

Sa isang panayam, sinabi ni Department of Social Welfare and Development (DSWD)  spokesperson Director Irene Dumlao na nagpalabas ng  joint memorandum circular  ang Department of Budget and Management, National Economic and Development Authority,  Bangko Sentral ng Pilipinas, at DSWD na naglalaman ng guidelines para sa distribusyon ng  monthly subsidy nitong Mayo.

 

 

Dahil dito,  aniya, “Itong P500 na ayuda, maaari na tayong makapagsimula sa pamamahagi nito bago magtapos ang termino ni Pangulong Duterte.”

 

 

Ang pahayag na ito ni Dumlao ay matapos niyang makumpirma na ang  cash aid  ay nananatiling undistributed, tatlong buwan matapos na aprubahan ito ni Pangulong Duterte.

 

 

Nitong  Marso, ipinag-utos ni Pangulong Duterte na itaas ng P500.oo mula sa  P200.oo  ang  monthly cash aid para sa “poorest of the poor” sa bansa  sa gitna ng tumataas na presyo ng langis at  iba pang pangunahing bilihin.

 

 

Sinabi ni Dumlao  na  ang  target beneficiaries  ay iyong nasa bottom 15% ng populasyon o 12.4 milyong  low income households.

 

 

Aniya, ang mga kuwalipikadong benepisaryo ay kinabibilangan ng nasa ilalim ng Conditional Cash Transfer program,  benepisaryo ng  Social Pension program, at iba pang mahihirap na pamilya  na  may pagkakakilanlan ng National Household Targeting System for Poverty Reduction ng DSWD.

 

 

Sinabi ni Dumlao, ang  monthly cash grant ay ipagkakaloob ng  P1,000 kada dalawang buwan sa loob ng anim na buwan. (Daris Jose)

Other News
  • Reyes tutumbok sa Enero 23

    PINAG-AARALAN ni Efren ‘Bata’ Reyes at kanyang pamilya na ipatimbog sa mga awtoridad para kasuhan ang nagpakalat ng fake news sa social media nitong Sabado na patay na ang alamat ng bilyar.   Nakatakdang sumargo pa ang 66-anyos na, may taas na 5-9 cue artist kapareha si Ronato ‘Ronnie’ Alcano upang kalabanin ang kumpareng si […]

  • DOH pinaghahanda sa lalo pang maluwang na Alert Level 2

    Pinaghahanda na ng Department of Health ang lahat ng local government units (LGUs) sa Pilipinas na maghanda sa dahan-dahang pagluluwag pa lalo ng COVID-19 restrictions kasunod ng lalong pagbaba ng mga kaso nationwide.     Ang nabanggit ay sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire matapos banggitin ni Interior spokesperson Jonathan Malaya na posibleng ilagay […]

  • NAVOTAS COASTAL DEVELOPMENT

    MASAYANG ibinalita nina Mayor Toby Tiangco at Congressman John Rey Tiangco na nagbunga na ang matagal nia nilang plano na pinakamalaking proyektong pabahay para sa mga Navoteño, ang Navotas Coastal Development.     Ayon kay Mayor Tiangco, ang proyektong ito ay pinagplanuhan nila ni Cong. John Rey kasama ang San Miguel Corporation at walang gagastusin […]