Marcos, nanawagan para sa kalayaan mula sa COVID, ‘cancel culture’
- Published on June 14, 2022
- by @peoplesbalita
NANANAWAGAN si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., araw ng Linggo sa mga mamamayang Filipino na magkapit-bisig para palayain ang bansa mula sa COVID-19 pandemic at paghahati-hati sanhi ng “cancel culture.”
Sa kanyang Independence Day message na naka-post sa kanyang YouTube channel, sinabi ni Marcos na maaari itong makamit ng mga filipino sa pamamagitan ng paggamit sa kanilang katalinuhan at katapangan, mga katangian, na ayon sa kanya ay naipasa ng kani-kanilang mga ninuno simula ng proklamasyon ng kalayaan mula sa Espanya (Spain) noong 1898.
Aniya, nakikipag-usap na siya sa mga eksperto hinggil sa plano para makamit ang kalayaan mula sa COVID-19, partikular na para sa mga manggagawa at maliliit na negosyo na labis na naapektuhan ng pandemiya.
“Ang kapakanan ng ating mga manggagawa, ang ating mga maliliit na negosyo ang iba’t iba pang mga sektor na hanggang ngayon ay hindi pa nakabalik sa normal… iyan ang mga patuloy pa natin tinatalakay kasama ng lahat ng pinakamagagaling na eksperto,” ayon kay Marcos.
Maliban dito, makikipagtulungan ang incoming administration sa mga lider mula sa iba’t ibang bansa partikular na mula sa southeast Asian neighbors ng Pilipinas, upang matulungan ang bansa na maka-recover mula sa epekto ng COVID-19.
Noong nakaraang linggo, nakipagkita si Marcos sa ilang envoys mula sa mga member-countries ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN): Johariah Wahab ng Brunei, Phan Peuv ng Cambodia, Agus Widjojo ng Indonesia, Songkane Luangmuninthone ng Laos, Gerard Ho ng Singapore, Thawat Sumitmor ng Thailand, at Hoang Huy Chung ng Vietnam.
“Mahalaga ang naging ugnayang binubuo ng grupong ito para maprotektahan ang ating kapayapaan at katahimikan sa rehiyon at ang kalakalan o trade at iba pang mga interes na makakabuti sa ating bansa,” ayon kay Marcos sa isang miting.
Idinagdag pa nito na umaasa siya na ang bansa ay makararanas din ng kalayaan mula sa dibisyon o paghahati-hati na nag-ugat mula sa “cancel culture, discrimination, at violent hate crimes.”
“Sana ay huwag tayong magpasakop sa ganitong pag-iisip. Palawigin ang ating pagrespeto, pagtanggap, at pag-unawa sa isa’t isa,” ayon kay Marcos. (Daris Jose)
-
Robredo camp, pinag-iisipan ang legal action laban sa nagpapakalat ng fake news sa social media
BILANG bahagi ng kanyang kampanya laban sa “disinformation” at kasinungalingan, kinokonsidera ng kampo ni outgoing Vice President Leni Robredo ang gumawa ng legal action laban sa mga nagpapakalat ng fake news sa social media matapos ang kanyang termino sa Hunyo 30 . “Sa darating na mga linggo at buwan, tayo ay maglulunsad ng […]
-
‘Face shield scam’ iniimbestigahan na
Iniimbestigahan na ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) ang mga reklamo tungkol sa “face shield online scam.” Ito’y matapos magsilabasan sa social media ang mga post sa FB page, group at marketplace ng mga naghahanap ng daang libo at milyon na suplay ng face shield para ibenta. Ayon sa ACG, nai-refer na nila sa […]
-
Pangulong PDu30 muling binira ang ABS-CBN
MULING binira ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang ABS-CBN network. Hindi kasi nagustuhan ni Pangulong Duterte ang ginawa ng may-ari ng ABS-CBN network na nagpalabas ng paumahin subalit kalaunan ay itinanggi naman ang kanilang pagkakamali. Sa naging talumpati ng Pangulo sa Cagayan de Oro City ay inalala ng Chief Executive kung paano humingi […]