• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BARANGAY ELECTION, PINAGHAHANDAAN PA RIN NG COMELEC

TINITINGNAN ng Commission on Elections (Comelec) na ipagpatuloy ang voters registration sa susunod buwan bilang preparasyon para sa  Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Dec. 5, 2022.

 

 

Sa kanyang pahayag, sinabi ni  acting Comelec spokesperson John Rex Laudiangco na ang panukala ay   para magsagawa ng voters registration mula July 4 hanggang 30.

 

 

Aniya, ang pagpapatuloy ng voters registration ay “subject to the approval of the Commission en banc.”

 

 

Sinabi ni Laudiangco na nagsimula na ang lahat ng administratibo at operational na paghahanda para sa Disyembre BSKE, sa direksyon ng Commission en banc, kasama si Commissioner Rey Bulay bilang Commissioner-in-Charge

 

 

Kasama sa iba pang aktibidad ang pagbalangkas ng mga implementing resolution, pagkuha ng ballot paper at iba pang supply ng halalan, pagkuha ng mga serbisyo sa pag-imprenta para sa mga opisyal na balota, accountable at non-accountable forms at muling pagbisita/pag-aaral muli ng mga protocol sa kalusugan, kabilang ang pagpapatuloy ng probisyon ng mga hiwalay na lugar ng botohan sa pakikipag-ugnayan sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

 

 

Ayon sa Comelec ang projected total number ng registered voters para sa barangays elections ay 66,053,357 habang inaasahang ang rehistradong botante para sa SK polls ay  23,059,227.

 

 

“Please note that these are mere projections based on historical data for purposes of planning and procurement for the BSK,” ani Laudiangco . (GENE ADSUARA)

Other News
  • Taguig City, Zele Wellness Center lalahok sa WNBL

    DIDRIBOL na rin ang Taguig City at ang Zele Wellness Center para sa 1st Women’s National Basketball League (WNBL) 2021 na nakatakdang ihayag sa mga susunod na araw  ang petsa sa pagsisimula ngayong taon makaraan ang negosasyon sa Inter-Agency Task Force (IATF).     Kinumpirma ng dalawang ballclub ang partisipasyon sa unang propesyonal na ligang […]

  • Pinsala sa agrikultura ni Karding, lumobo na sa P160.1M —DA

    LUMOBO na sa  P160.1 milyong piso ang pinsala at pagkalugi  sa agrikultura dahil sa hagupit ng bagyong Karding.     Sa pinakahuling pagtataya ng Disaster Risk Reduction and Management Operations Center (DRRM)  ng Department of Agriculture (DA), sakop nito ang 16,659 ektarya ng agricultural areas sa Cordillera Administrative Region , Ilocos Region, Central Luzon, Calabarzon, […]

  • Matapos maglabas ng joint statement: BOY, mananahimik muna sa hiwalayang BEA at DOMINIC

    KAUGNAY sa mga bagong na pahayag nina Bea Alonzo at Dominic Roque tungkol sa hiwalayan nilang dalawa ay may malamang pahayag din si King of Talk Boy Abunda.   “There’s a time to speak up and a time to shut up.” Walang kagatol-gatol na pahayag pa ng host ng “Fast Talk with Boy Abunda” ng […]