• February 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Matapos maglabas ng joint statement: BOY, mananahimik muna sa hiwalayang BEA at DOMINIC

KAUGNAY sa mga bagong na pahayag nina Bea Alonzo at Dominic Roque tungkol sa hiwalayan nilang dalawa ay may malamang pahayag din si King of Talk Boy Abunda.

 

“There’s a time to speak up and a time to shut up.” Walang kagatol-gatol na pahayag pa ng host ng “Fast Talk with Boy Abunda” ng GMA-7.

 

Banggit pa ni Kuya Boy sa ngayon daw ay manahimik muna siya pero hindi ganon ka tagal, huh!

 

“Right at this moment, I’m choosing to shut up but not too long,” dagdag pa ng premyadong TV host.

 

Kilala ng lahat si Kuya Boy sa pagiging prangka at hindi basta-basta na lang sumawsaw sa isyu.

 

Kaya nakagugulat ang mga nabanggit niyang pahayag na tila ba kasagutan sa ipinalabas na pahayag ni Bea na may mga tao raw na basta na lang naglabas ng isyu sa kanilang dalawa ni Dominic na wala munang kumpirmasyon sa kanila, huh!

 

Pinatutsadahan kasi ni Bea ang hindi rin naman binanggit na mga tao na kung saan kinumpirma ng mga ito ang kanilang paghihiwalay na hindi man lang daw muna sila kinausap o humingi ng pahintulot.

 

Ganun Bea?

 

May pasaring pa rin si Bea na kesyo may mga gumagawa raw ng kung anu-anong istorya sa buhay nila ni Dominic na walang katotohanan.

 

Ganun ulit Bea?

 

Incidentally, nag-renew ng kanyang kontrata sa GMA ang numero unong talk show host.

 

Congratulations Sir Boy Abunda!

 

***

 

KUNG may Vilma-Nora rivalry na hanggang ngayon ay mainit pa rin, meron din namang Snooky versus Maricel Soriano dati.

 

Hindi nga lang umabot sa level ng bangayan ng mga Vilmanians at Noranians, huh!

 

Kung may patutsadahan ang mga tagahanga ay pareho rin naging magkaibigan ang iniidolong sina Vilma at Nora at ganun din naman sina Maricel at Snooky.

 

Pero kahit magkaibigan sa tunay na buhay ay hindi rin naman maalis na pagdating sa proyekto ay nag-aagawan sina Snooky at Maria.

 

Kuwento pa ni Snooky na talagang naapektuhan din naman kahit papaano ang friendship nila ni Maricel.

 

“I don’t want to lie, siyempre kahit gaano kayo ka-close pero naapektuhan din talaga. Lalo na ako na nung bata pa kami pareho ni Maricel, eh napaka-impressionable ko.

 

“Kapag may bumulong lang sa akin na ‘Oh si Maricel ganito, may sinasabing ganun at ganyan, Hindi naman ako nagsinungaling na kahit papaano naapektuhan agad ako,” napatawa pang balik-tanaw ni Snooky.

 

Pero noon daw yun, ngayon daw ay medyo tahimik na lang daw siya pagdating sa mga isyung nakararating sa kanya at hindi na siya basta na lang nagko-comment.

 

Pero dahil daw naman sa pagiging walang kibo niya ay napagkamalang suplada ang magaling na aktres.

 

“Yun na nga eh, ang akala ng mga tao suplada talaga ako,” sey pa niya.

 

Sa mga nagdaang mga taon ay napanatili rin naman nina Snooky at Maricel ang kanilang friendship.

 

Huli silang magkasama sa isang proyekto ng ABS-CBN under Dreamscape na “Pira-pirasong Paraiso” na nagtapos sa ere kamakailan lamang.

(JIMI C. ESCALA)

Other News
  • ‘Di man pasok sa GFH: 3 sangay ng ahensya sa Maynila, popondohan

    POPONDOHAN ng pamahalaang Lungsod ng Maynila ang Bureau of Jail Management, Department of Social Welfare and Development at Manila Police District (MPD) para sa kanilang Peace and Order Council.   Ayon kay Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso, umaabot sa halos P40 milyon ang ilalaang pondo sa isinagawang pagpupulong ng ilang opisyal ng Manila City […]

  • Kapitbisig sa Pag-unlad MPC, naiuwi ang Cooperative Awards for Continuing Excellence sa GGK 2022

    LUNGSOD NG MALOLOS – Sa lahat ng natatanging mga kooperatiba sa lalawigan, naiuwi ng Kapitbisig sa Pag-unlad MPC mula sa bayan ng Pandi ang pinakamataas na parangal na Cooperative Awards for Continuing Excellence sa isinagawang Gawad Galing Kooperatiba 2022 sa pangunguna ng Provincial Cooperative and Enterprise Development Office na ginanap sa The Pavilion, Hiyas ng […]

  • DepEd, nag-hire ng 3,200 learning support aides (LSAs)

    NAG-HIRE o tumanggap ang Department of Education (DepEd) ng 3,200 learning support aides (LSAs) para tulungan ang mga estudyante na walang magulang o guardians na mangangasiwa sa kanilang pag-aaral sa kanilang tahanan.   Sinabi ni Education Undersecretary Jesus Mateo na nag-hire ang mga eskuwelahan ng LSAs na nakatira sa komunidad kung saan sila nagtuturo upang […]