Tenorio patuloy ang pagiging ‘Iron Man’ ng PBA
- Published on June 15, 2022
- by @peoplesbalita
SA HALFTIME ng upakan ng Barangay Ginebra sa Blackwater noong Linggo ay binigyan si point guard LA Tenorio ng Philippine Basketball Association ng plaque.
Ito ay dahil sa paglalaro ng 37-anyos na si Tenorio ng kanyang ika-700 sunod na laro.
“Nag-e-enjoy lang din ako with the competition, siyempre. I’m enjoying myself. This is my comfort zone, playing in the PBA with everyone,” sabi ng veteran playmaker.
Hindi pa siya nakakamintis ng isang laro sapul nang piliin ng San Miguel bilang No. 4 overall noong 2006 PBA Draft.
Muntik pang hindi makalaro si Tenorio sa pagsisimula ng 2020 PBA Philippine Cup matapos sumailalim sa isang appendectomy procedure kaya hindi kaagad siya nakasama sa training ng Gin Kings sa Clark bubble.
Sa kanyang 700 games ay nagwagi na ang dating kamador ng San Beda Red Cubs at Ateneo Blue Eagles ng pitong PBA championships, isang Best Player of the Conference trophy at four-time Finals MVP.
Kaya naman ‘freak of nature’ ang paglalarawan sa kanya ni coach Tim Cone.
“You never see him go to eat in any fast food or anything like that. I mean, he really takes care of himself,” sabi ni Cone.
-
Ads October 18, 2023
-
JASON STATHAM ALWAYS KEEN TO DO HIS OWN STUNTS IN “MEG 2: THE TRENCH”, SAYS DIRECTOR
ACTION star Jason Statham loves stunt work. According to Ben Wheatley, director of “Meg 2: The Trench,” Statham is always keen to do as many of his own stunts as possible. Anytime the actor is seen powering a jet ski through the water, that is indeed Statham. Wheatley offers, “Because the physics […]
-
Red alert mananatili hanggang sa susunod na linggo – DOE
Mananatiling nasa red alert ang Luzon grid sa susunod na linggo pero inaasahan ng Department of Energy (DOE) na walang magaganap na rotational brownouts sa Luzon hanggang sa katapusan ng Hunyo. Sinabi ni Electric Power Industry Management Bureau director Mario Marasigan na kapag walang makakapasok na planta ngayong linggo hanggang sa susunod na […]