“Climate change, hindi protocol ng dam ang rason sa malawakang pagbaha”- Fernando
- Published on November 20, 2020
- by @peoplesbalita
LUNGSOD NG MALOLOS– Sa kanyang pinakabagong pahayag, sinabi ni Gobernador Daniel R. Fernando ng Bulacan na ang malawakang pagbaha na naranasan ng ilang lalawigan kabilang ang Bulacan matapos masalanta ng Bagyong Ulysses ay dulot ng climate change, na bunga ng aktibidad ng tao at pagwawalang-bahala sa kalikasan, at hindi dahil sa water management protocol ng mga dam.
“Itong mga pagbaha kaugnay ng bagyong Ulysses ay hindi po dahilan lamang sa nagpakawala ng tubig sa mga dam. Kapag ang dam water management protocol ay hindi isinagawa, higit na maraming buhay ang malalagay sa panganib,” anang gobernador.
Binanggit rin niya na ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) at National Irrigation Administration (NIA), ang pagpapakawala ng tubig mula sa ating mga dam ay para sa kaligtasan ng ating mga mamamayan.
Naniniwala ang punong lalawigan na panahon na upang malalimang pag-usapan ang local climate change mitigation and adaptation.
“Habang may panahon pa, ako ay nananawagan sa lahat, kumilos tayo para pangalagaan ang ating likas yaman– ang kalupaan, kabundukan, at katubigan. Dapat pangunahan ng pamahalaan ang magkakaugnay na mga patakaran at panukala para mapanatili ang kalinisan ng kapaligiran, mabawasan ang walang patumanggang pagkakalat, malabanan ang polusyon, at magkaroon ng sapat na kahandaan sa mga kaugnay na suliranin ng pabago-bagong klima tulad ng biglaang mga unos, malalakas na ulan at mga pagbaha,” dagdag ni Fernando.
Nanawagan rin siya sa kanyang mga kapwa lingkod-bayan na umaksyon sa halip na magturu-turuan dahil ang pagmamalasakit sa kapakanan ng mga mamamayan ang dapat na pinakamahalagang bahagi ng paglilingkod ng pamahalaan.
“Sana ay huwag nating gamitin ang kalamidad para maka-iskor lamang sa pulitika. Sa halip na maghanap ng mapapagbuntunan ng sisi, bakit hindi natin pagtulung-tulungan kung ano ang solusyon sa ating mga problema?” ani Fernando.
Alas sais ng gabi kahapon, mayroong 54 barangay sa Bulacan kabilang ang anim sa Paombong, apat sa Pulilan, isa sa Malolos, apat sa Baliwag, 29 sa Calumpit, at 13 sa Hagonoy na lubog pa rin sa baha na dulot ng malakas na pag-ulang dala ng Bagyong Ulysses at back flooding. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Diplomatic relations, naiisip na paraan ng gobyerno
GAGAMITIN ng gobyerno ang diplomatic relation para makakuha ng AstraZeneca vaccine. Ito’y upang masiguro na hindi mabibitin sa pagtuturok ng ikalawang dose ang mga naturukan ng Astrazeneca sa harap ng umano’y pagkakaantala sa pagdating ng mga bakuna mula sa COVAX Facility. Ayon kay Chief Implementer at Vaccine czar Secretary Carlito Galvez, may problema […]
-
DBP dividend cut, walang kaugnayan sa Maharlika Investment Fund
PINABULAANAN ni Finance Secretary Benjamin Diokno ang alegasyon na ang Development Bank of the Philippines (DBP) dividend cut ay naglalayon na panatilihin ang capital para sa panukalang Maharlika Investment Fund (MIF). Sa isang kalatas, sinabi ni Diokno na ang government banks gaya ng DBP at Land Bank of the Philippines (LBP) ay pinayagan […]
-
Pag-aalis ng travel authority, quarantine requirements idinepensa ng DILG
Idinepensa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang desisyong alisin na ang ilang requirements at paluwagin ang ilang health protocols ng mga biyahero, kahit pa nananatili pa rin ang banta ng COVID-19. Kasunod ito nang pagbatikos ni Vice Pres. Leni Robredo sa pagtatanggal ng quarantine at testing protocols, dahil maaari […]