PDu30, humingi ng paumanhin sa publiko
- Published on June 17, 2022
- by @peoplesbalita
HUMINGI ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa publiko sa kanyang naunang desisyon na payagan ang e-sabong operations sa kabila ng mga ulat na lumulubog sa utang ang mga mananaya at dahilan ng pagdukot sa mga sabungero.
Gaya ng kanyang mga nasabi sa mga nauna niyang talumpati, tinukoy ni Pangulong Duterte ang daang-bilyong piso na kinikita ng pamahalaan mula sa online cockfighting.
“On e-sabong, I am sorry, I realized it late,” ayon sa Pangulo sa kanyang talumpati matapos inspeksyunin ang main campus ng National Academy of Sports na matatagpuan sa New Clark City sa Capas, Tarlac.
“It was at P600 million a month, billions in a year because there are a lot of operations. I am very sorry it had to happen,” dagdag na pahayag nito.
Matatandaang buwan ng Mayo nang ipatigil ni Pangulong Duterte ang operasyon ng e-sabong.
Sinang-ayunan ng Chief Executive ang rekomendasyon ni Interior Secretary Eduardo Año kaugnay sa social cost na dulot ng e-sabong.
Subalit bago pa ito, buwan ng Marso at Abril nang todo-depensa ang Pangulo sa operasyon ng e-sabong sa katuwirang nakatutulong ito sa gobyerno sa gitna ng ulat na ilang sabungero na ang nawawala.
Samantala, hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nareresolba ang kaso ng mga nawawalang sabungero dahil upang mapilitan ang mga pamilya na mag-alok na ng pabuya para makapagbibigay impormasyon para sa nawawala nilang kaanak. (Daris Jose)
-
Curry, nagbuhos ng 41-pts upang itumba ng Warriors ang Pelicans
Lumakas pa ang tiyansa ng Golden State Warriors na makahabol sa NBA playoffs matapos na itumba ang New Orleans Pelicans, 123-108. Sa ngayon nasa Western Conference play-in position ang Warriors sa labas ng top six na mga teams habang meron na lamang pitong games na nalalabi. Inaasahang dalawa pang games ay […]
-
Mag live-in partner kulong sa P10.2 milyong shabu
Nasamsam sa isang mag live-in partner na hinihinalang big-time drug pushers ang nasa P10.2 milyon halaga ng shabu matapos masakote sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, Huwebes ng gabi. Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega ang naarestong mga suspek na si Ernesto Francisco alyas “Ikong”, 49 at Genelyn Mararac, […]
-
Ex-DOH secretaries, doctors umapela kay Pres. Duterte na ‘wag harangan ang Senate probe
Nagsama-sama ang daan daang mga doktor maging ang ilang dating mga Health secretaries upang manawagan kay Pangulong Rodrigo Durterte na sana ay ‘wag harangin ang ginagawang imbestigasyon ng mga senador sa umano’y anomalya sa paggamit ng COVID-19 response. Naglabas ng statement ang Philippine College of Physicians (PCP), na pinirmahan ng maging dating mga […]