VEP, nais na mapabilang ang persons with comorbidities sa mabibigyan ng 2nd booster
- Published on June 18, 2022
- by @peoplesbalita
NAIS ng Vaccine Expert Panel (VEP) na makasama sa mabibigyan ng 2nd booster ang mga persons with comorbidities.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni VEP chairperson Nina Gloriani na ang taong mayroong dalawa o higit pang sakit ay “similarly vulnerable” sa malalang sakit na coronavirus disease 2019 (Covid-19).
“We agree, we actually recommend na ‘yong mga may comorbidities (masama) kasi hindi rin natin malaman ano ang level ng immunocompromised na tinatawag sa comorbidity,” anito.
Tinukoy ni Gloriani ang kamakailan lamang na pag-aaral na nagpapakita na ang mga taong mayroong dalawa o higit pang sakit gaya ng diabetes at chronic respiratory illness, ang level ng immunocompromise ay mataas.
“Mas mataas ang immunocompromise ng taong ‘yon so kailangan nating ma-consider ‘yon sa pagbibigay ng second booster as well. Hindi necessarily sinabi nating parang wala siyang immunocompromise, kailangan malaman natin ‘yong medical status plus how many ba ‘yan,” anito pa rin.
Sa kasalukuyan, ang immunocompromised persons na eligible para sa second booster ay kinabibilangan ng mga taong mayroong cancer, HIV/AIDS, primary immunodeficiency, umiinom ng immunosuppressants, at mga nakatanggap ng organ transplant.
Samantala, batay sa pinakabagong data mula sa Department of Health, makikita rito na pumalo na sa mahigit sa 580,000 ang eligible population, kabilang ang healthcare workers at senior citizens na nakatanggap ng karagdagang boosters. (Daris Jose)
-
NURSING STUDENT UTAS SA SUNOG SA MALABON
ISANG 20-anyos na babaing nursing student ang nasawi matapos umanong ma-trap sa nasusunog nilang tirahan sa Malabon City, Miyerkules ng umaga. Natutulog umano ang biktimang si alyas “Nyanza”, working student ng Our Lady of Fatima University sa ikalawang palapag ng kanilang tirahan sa A. Bonifacio St., Brgy. Tugatog nang sumiklab ang sunog dakong […]
-
VP Robrero, tuloy na sa pagtakbo bilang pangulo
Tuloy na ang pagtakbo ni Vice President Leni Robredo bilang pangulo sa 2022 elections. Sa kanyang talumpati sa Office of the Vice President (OVP) sa Quezon City, tinanggap nito ang hamon ng pagtakbo niya sa pinakamataas na posisyon sa gobyerno. “Inihahain ko ang aking sarili bilang kandidato sa pagkapangulo sa halalan […]
-
Canadian caddie ni Yuka na-heat stroke
Isinugod sa ospital ang Canadian caddie ni 2021 US Women’s Open Yuka Saso dahil sa heat stroke isang araw bago ang pagsisimula ng Tokyo Olympics women’s golf competition sa Kasumigaseki Country Club. Si Lionel Matichuk ay papalitan ni national team coach Miko Alejandro para gabayan si Saso, ayon sa National Golf Association of […]