TOLL ROAD INTER-OPERABILITY MALABONG MAIPATUPAD NGAYONG TAON
- Published on November 20, 2020
- by @peoplesbalita
Pero ang mandatory cashless transaction sa tollways tuloy kahit wala pang interoperability.
Ito ang pahayag ng DOTr at ni Toll Regulatory Board Executive Director Abraham Sales – na malabong magkaroon ng interoperability ngayong taon at baka sa 2021 pa raw. Ibig sabihin kapag ang sticker mo ay AUTOSWEEP RFID lang – pwede ito sa Skyway, SLEX, NAI AX, Star tollway, MCX at TPLEX. At kapag EASYTRIP naman pwede lang sa NLEX, SCTEX, Cavitex at CALAX. Kaya kung nalilito ka sa dalawa at malimit kang dumaan ng tollway kailangan ay mayroon ka ng parehong stickers para hindi ka maabala.
Bakit ba kaya hindi na lang magkasundo ang dalawang negosyante na mag karoon na ng interoperability muna bago ang deadline ng cash transaction sa December 2, 2020! Hindi ba pwede? Hindi ba kakayanin? Kung paniniwalaan ang pahayag ni TRB Executive Director Sales ay tila may malaking sagabal. Sabi niya “the planned toll collection interoperability between expressways will ONLY happen if San Miguel Corporation will cooperate with the government. (Manila Times September 14 2020 by Lisbet K Esmael)”. Kaya ang tanong – nag cooperate na ba ang team San Miguel na Autosweep? At kung sakaling walang cooperation ang Autosweep – sawi na ang hiling ng mga motorista na magkaroon ng isang klaseng sticker na lang?
May puntos si Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian na kung hindi kayang i-activate ang interoperability o pag-iisa ng sistema ng Autosweep at Easytrip ay ipagpaliban muna ang deadline ng cashless transactions sa mga tollways. Ang sagot naman ng DOTR ay hindi pwede dahil may pandemya at baka magdulot ng paghahawa kapag may cash transaction sa tollgate. Yan lagi ang tono nila na ginagamit ang pananakot sa Covid-19 pag na-kokorner ang polisiya at tinatanong ang soundness ng plano at sistema. Bakit? Lahat na ba ng human activity ay cashless na? Bigay kayo ng bigay ng deadline hindi naman niyo ayusin yung interoperability para makagaan sa mga motorista!
Malapit na ang December 2 at wala pang pagasa na magkaroon ng interoperability ang mga tollway natin ngayong taon pero ipipilit pa rin ang kagustuhan ng TRB at DOTR na tuloy ang deadline para sa cashless transaction.
At depende sa “kooperasyon” pa ng San Miguel kung matutuloy ang pag-iisa ng Autosweep at Easytrip. Mukhang wala ng cash transaction sa tollgates pero sa iba baka meron pa. Kawawang motorista. (ATTY. ARIEL ENRILE-INTON)
-
SANYA, inamin na mas na-challenge sa pagganap na ‘First Lady’ kaya inaral na mabuti
NGAYONG Valentine’s Day, hinahandog ng GMA Entertainment Group ang isa sa most anticipated series at sequel sa Philippines’ No. 1 show for 2021, ang First Lady. The original drama stars once again the swoon-worthy pairing of award-winning actor Gabby Concepcion bilang President Glenn Acosta at ang brilliant Kapuso actress Sanya Lopez bilang First Lady Melody Acosta. […]
-
PBBM, hinirang si Toni Yulo-Loyzaga bilang DENR Secretary
INANUNSYO ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, araw ng Martes ang nominasyon ni Ma. Antonia “Toni” Yulo-Loyzaga bilang Kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR). “The President has nominated Ms. Ma. Antonia “Toni” Yulo-Loyzaga as Secretary of the Environment and Natural Resources. Her nomination will still be subject to the fulfilment of […]
-
SHARON, proud and honored na maging part ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ at malaki ang pasasalamat kay COCO
OPISYAL na ngang KaProbinsyano si Megastar Sharon Cuneta at nagkaroon ng red-carpet event last November 9 ang Dreamscape Entertainment at isa nga ang lead-actor at creative director na si Coco Martin ang nag-welcome sa singer/actress. Ang FPJ’s Ang Probinsyano nga ang kauna-unahang Kapamilya teleserye ni Sharon at karangalan nila na maging bahagi ng […]