Planong pahiyain si BBM, totoo
- Published on June 18, 2022
- by @peoplesbalita
MAYROON diumanong sabwatan para kutyain at ipahiya si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. upang dungisan ang reputasyon nito.
Tinukoy ni dating Senate President Juan Ponce Enrile ang isang mapagkakatiwalaang source, nagbabala ang dating mambabatas na may ilang grupo mula sa Estados Unidos at Pilipinas ang sinasabing magkasabwat upang gawan ng gulo si Marcos.
“I just picked up what I consider to be a credible information that there are groups in America and in the Philippines planning and preparing to cause serious embarrassment and trouble for our newly-elected President,” ang pahayag nito sa kanyang Facebook post.
Hindi naman dinetalye ni Enrile ang sinasbaing sabwatan para dungisan ang imahe ni Marcos.
Gayunman, sinabi nito na magbibigay siya ng karagdagang detalye sa “proper official” ng incoming Marcos administration “in due time.”
“Caution is the name of the game. You are just starting you[r] travel in troubled waters. Your adversaries have not stopped. To borrow a phrase from someone, right now ‘they are hiding their brightness and biding their time,’” ayon kay Enrile.
Pinayuhan naman ni Enrile ang incoming security officials ng administrasyong Marcos na paigtingin ang kanilang intelligence gathering.
Sinabi nito na ang “soft and pacific” na paninindigan para payapain ang mga kritko ay hindi magandang ideya.
“I have a humble unsolicited advice for the national security officials of the new regime. Instead of making soft and pacific statements seemingly intended to quiet and to gain the cooperation, trust, and confidence of the habitual trouble makers in this country, I suggest that they should sharpen their intelligence information,”ayon kay Enrile.
Ang babala ni Enrile ay inihayag nito dalawang linggo bago pa ang oath-taking ni Marcos bilang pang-17 Pangulo ng bansa.
Idaraos ang inagurasyon ni Marcos sa National Museum of the Philippines sa Maynila sa Hunyo 30. (Daris Jose)
-
Ads May 25, 2023
-
Parak, 1 pa arestado sa baril sa Caloocan
KALABOSO ang dalawang katao, kabilang ang isang aktibong pulis matapos makuhanan ng baril ng kanyang mga kabaro sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw. Sa ulat na natanggap ni Caloocan Acting Police Chief P/Col Ruben Lacuesta mula kay Police Sub-Station 15 Commander P/Capt. Demile Tubbali, nagpapatrulya aniya ang kanyang mga tauhan sa Phase […]
-
NAVOTAS MAGTATALAGA NG MGA QUARANTINE ENFORCEMENT PERSONNEL
MAGTATALAGA ng mga quarantine enforcement personnel ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa mga piling lugar at entrada sa mga kritikal na lugar na tinukoy ng Philippine National Police–Navotas. Ayon kay Mayor Toby Tiangco, ito ang ilan sa mga “best practices” ng Navotas sa laban sa COVID-19. Aniya, kasama rin dito ang mas mahabang […]