• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sotto No. 79 na sa mock draft

NASA No. 79 spot na si Kai Sotto sa inilabas na mock draft ng isang basketball website para sa 2022 edisyon ng NBA Rookie Draft na gaganapin sa Hunyo 23 sa Brooklyn, New York.

 

 

Ayon sa NBA Draft Room, malaki ang improvement ng 7-foot-3 Pinoy cager sapul nang maglaro ito sa iba’t ibang torneo.

 

 

Kabilang na rito ang pagsabak ni Sotto sa isang season ng Australia Natio­nal Basketball League (NBL) kasama ang Ade­laide.

 

 

Mas malakas at mabilis na ito kumpara sa mga nakalipas na laro nito kaya’t maituturing na itong handang-handa na sakaling makapasok ito sa NBA.

 

 

“Tall and smooth with an emerging game, Sotto has filled out his frame well over the past few years. He’s looking stronger and quicker and more like an NBA player,” ayon sa website ng NBA Draft Room.

 

 

Nangunguna sa lista­han ng mock draft si Jabari Smith Jr. ng Auburn kasunod sina Chet Holmgren ng Gonzaga, Jaden Ivey ng Purdue, Paolo Banchero ng Duke at Keegan Murray ng Iowa.

 

 

Nauna nang nakapasok sa Top 50 si Sotto sa mga nakalipas na edisyon ng mock draft.

 

 

Target ni Sotto na ma­ging kauna-unahang pure Pinoy na makakapasok sa NBA.

Other News
  • PBBM SAYS GOV’T ‘SLOWLY CONVERTING’ DEPENDENCE ON WATER SUPPLY TO SURFACE WATER

    THE GOVERNMENT has stepped up efforts to convert the country’s dependence on water supply from underground water to surface water, President Ferdinand R. Marcos Jr. said Monday.     The President made the comment in an interview with former Social Welfare Secretary Erwin Tulfo, stressing the need for different government agencies to make the necessary […]

  • Travel ban sa Indonesia inutos ni Duterte

    Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang travel ban sa Indonesia dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng mas nakakahawang Delta variant doon.     Ang travel ban sa Indonesia ay magsisimula ng 1 AM araw ng Huwebes at magtatapos hanggang sa Hulyo 31.     Lahat ng may biyahe mula sa Indonesia sa nakalipas na […]

  • GOBYERNO NG AMERIKA, HUMINGI NG DOKUMENTO SA COMELEC

    HINILING ng gobyerno ng Amerika sa Commission on Elections (Comelec) na magbigay ng mga dokumento para sa kaso laban kay dating Comelec Chairman Andy Bautista na iniulat na nahaharap sa money-laundering at bribery charges sa Amerika.     Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia sa panayam ng ANC na nakipag-ugnayan ang US government at hiningi […]