Na-trigger sa comment ng netizen sa pagla-like ng ‘cheating post’: CARLA, ibinuhos na ang lahat ng galit pero nanahimik lang si TOM na durog na durog
- Published on June 18, 2022
- by @peoplesbalita
TAHIMIK pa rin ang actor na si Tom Rodriguez sa mga pinakawalang statement ng actress na si Carla Abellana laban sa kanya.
Napakahaba nang naging statement ni Carla bilang sagot sa isang netizen sa kanyang Youtube vlog. Ang comment ng netizen ay ang tungkol sa pagla-like ni Carla sa “cheating” post ni AiAi delas Alas sa Instagram.
Mahaba ang naging reply ni Carla na part of her reply, “Opo, nag like po ako, pero yun lang po ang ginawa ko. Hindi ko na po yun inulit.”
Sey pa niya, “Ang taong lubos na nasaktan hirap pong pigilang hindi ilabas ang galit sa anumang paraan. I was disrespected. I was betrayed. I was lied to. I was used. I was shamed. I was made to look so stupid. Kung sana hanggang doon lang po makakabangon din po ako balang araw. Pero para gawan pa po ako at ang pamilya ko ng mas marami pang kasamaan at kataksilan sa mga sumunod na araw, linggo at buwan, sobra sa sobra na po ang sakit at pagdurog ng puso at pagkatao ko.
“Pero bukod po dun wala po akong ginawang masama kay Tom. Wala po akong binigay kay Tom kundi tunay na pagmamahal, respeto, pag-aalaga, pag-aaruga, pag-unawa, pagtitiis, sangatutak na pagpapatawad, milya-milyang pasensya, paniniwala, pagtiwala, pag-asikaso, pag-protekta, lahat-lahat na. Binigay ko po buong buhay ko sa kanya.”
Napakarami pang sinabi ni Carla na tila ibinuhos na lahat ng nararamdaman o galit dahil na-trigger ng isang netizen sa comment. At durog na durog halos si Tom.
Tahimik lang si Tom at hindi nagpo-post sa kanyang social media account. Pero ang legal counsel daw ng actor ay nagsabing “no comment” muna si Tom.
Sa isang banda, sa kabila ng mga ipinahayag ni Carla, nakapagtataka na hindi niya lubusang makuha ang simpatiya ng netizens. Binabasa namin ang mga comments, pero ang daming nega for Carla. May mga nagpapakita ng simpatiya kay Tom, pero meron din naman na nagpapalakas pa ng loob ni Carla.
Pero marami kaming nababasa na kung pitong taon itong nagtiis kay Tom, bakit daw, nagpakasal pa? Eh, ‘yung kasal pa naman nila, tumagal lang ng three months.
***
PARANG mas lalong nag-iba ang mindset at priorities ni Matteo Guidicelli simula nang ikasal sila ni Sarah Geronimo and in turn, si Sarah din naman ay tila nahahawa.
‘Di ba nga’t kakatapos lang ni Sarah ng baking course. Si Matteo naman, balita naman talaga na nakikipag-usap ito at nagpi-pitch ng project s sa GMA Network.
At bukod dito, heto at sinisimulan na ang bago nilang business, kasabay ng birthday ng nanay ni Matteo ay nag-ground breaking na sila ng bagong project.
Sey niya, “June 15 2022—our mamas birthday @glfguidicellu and the ground breaking of our new project, G STUDIOS! The building will rise soon and will welcome all content creators, advertisers, celebrities and just anyone and everyone who wants to use the space! See you at G Studios located in Landers Alabang.”
(ROSE GARCIA)
-
Halos 150,000 COVID-19 vaccines tinupok ng apoy sa Zamboanga del Sur
Mahigit-kumulang daanlibo’t kalahating bakuna laban sa nakamamatay na coronavirus disease ang nasira matapos lamunin ng sunog ang isang gusali sa Mindanao, pagkukumpirma ng gobyerno. Ang ulat ay kinumpirma ng Malacañang, Department of Health at National Task Force Against Covid19 (NTF) sa ilang pahayag na inilabas simula Lunes. “We are saddened that […]
-
MMDA, binasura ang expanded number coding plan sa gitna ng oil price hike
PARA sa Metro Manila Development Authority (MMDA) walang pangangailangan na palawakin ang kasalukuyang number coding scheme kasabay ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo dahilan naman ng pagkabawas sa bilang ng mga sasakyan sa mga pangunahing lansangan. Sinabi ni MMDA Chairman Rolando Artes na habang ang mga sasakyan sa EDSA ay […]
-
78 EMPLEYADO NG BI, NAHAWAAN NG COVID 19
INIHAYAG ng Bureau of Immigration (BI) na 78 na sa kanilang rank and file na mga empleyado ay nahawaan na ng COVID 19. Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente na sa 78 nilang empleyado na nahawaan sa virus, 29 sa kanila ay naka-recover na habang 1 sa kanila ay in-admit sa ospital. Dagdag […]