• July 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

78 EMPLEYADO NG BI, NAHAWAAN NG COVID 19

INIHAYAG ng Bureau of Immigration (BI) na 78 na  sa kanilang  rank and file  na mga empleyado ay nahawaan na ng COVID 19.

 

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente na sa 78 nilang empleyado na nahawaan sa virus, 29 sa kanila ay naka-recover na habang 1 sa kanila ay in-admit sa ospital.

 

Dagdag pa nito na 44 sa mga empleyado na nagpositibo sa virus pero mga asymptomatic  o may mild symptoms ay naka -housed sa isang quarantine facilities habang hinihintay ang kanilang paggaling.

 

“We are still fortunate that none of our workers have succumbed to this virus,” Morente said.

 

Ayon naman kay Dr. Marites Ambray, BI Medical Section Chief, na mayroon 76 sa iba pa nilang empleyado na sumailalim sa isolation at home quarantine matapos naiulat na probable COVID 19 cases dahil sa kanilang exposure sa taong nahawaan ng virus.

 

Sinabi pa ni Ambray na sa 58 sa mga suspected COVID-19 carriers ay maayos na at pinayagan ng magtrabaho habang 18 sa kanila ay naka home quarantine..

 

Dahil sa tumataas na bilang ng kaso ng COVID 19, nag-isyu ng direktiba ang BI Adminsitrative Division ng mandatory na pagsusuot ng face shields, bukod sa face mask  sa lahat ng opsiyal at empleyado na magre-report sa kanilang trabaho at ag sinuman na hindi susunod ay hindi papapasukin sa trabaho. GENE ADSUARA .

Other News
  • Malakanyang, labis na nalungkot sa nangyaring C-130 mishap sa Sulu

    LABIS na ikinalungkot ng Malakanyang ang insidente ng pagbagsak ng C130 airplane ng Philippine Air Force nitong Linggo ng tanghali sa Patikul, Sulu.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nagpapatuloy ang rescue operations at nakikiisa sa pagdarasal ang Malakanyang para sa ligtas na pag-recover sa mga pasahero.   “Let us wait for the […]

  • NegoSeminar inilunsad sa Navotas

    SA kabila ng COVID-19 pandemic, ang pamahalaang lungsod ng Navotas ay patuloy na nagsagawa ng seminar sa mga interesadong residente na nais na magtayo ng maliit na negosyo sa lungsod.   Ayon kay Mayor Toby Tiangco, ang NegoSeminar ay inilunsad higit isang buwan na nakalipas na naglalayong turuan ang mga interesadong residente na apektado ng […]

  • Pinsala sa infra kay ‘Paeng’, P4.3 bilyon na

    UMAABOT na sa P4.3 bilyon ang pinsalang iniwan ng Severe Tropical Storm Paeng sa mga imprastruktura sa bansa.     Batay sa pinakahu­ling report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 722 imprastruktura ang napinsala sa buong bansa pinakamalaki sa Calabarzon na may  111 at nagkakaha­laga ng P1,243,670,800.     Sinundan ito ng […]