• May 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

70M Filipinos, fully vaccinated bago matapos ang termino ni PDu30

SA loob ng 15 buwan matapos ilunsad ang National Vaccination Program, nakamit ng  Philippine government ang target nito na gawing fully vaccinated ang 70 milyong Filipino laban sa Covid-19.

 

 

Sa pinakabagong  report  ng  National Vaccination Operations Center “as of June 17”, may kabuuang 70,005,247 indibidwal, o 77.78% ng target population  ang nakakumpleto na ng kanilang primary series.

 

 

Sa nasabing bilang, 14,704,514 ang nag-avail ng first booster shot habang 648,555 naman ang nag-avail ng kanilang second booster dose.

 

 

Sa ngayon, tanging ang mga matatanda, medical frontliners, at immunocompromised adults (may cancer, human immunodeficiency virus/acquired immune deficiency syndrome, umiinom ng  immunosuppressants, o organ transplant recipients) ang eligible para sa  second dose.

 

 

Mula sa bilang na  153,013,072 doses na na-administer, 74,813,407 ang nakatanggap ng  one dose.

 

 

Sa kabilang dako, sinabi ni National Task Force Against Covid-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr., na ang milestone ay testamento  sa  commitment ng administrasyon na protektahan ang mas maraming  Filipino mula sa nakamamatay na epekto ng  Covid-19.

 

 

“As promised, we reached the target of 70 million fully vaccinated individuals. The NTF thanks our health care workers, volunteers, and everyone who made the vaccination program a success,” ayon kay Galvez.

 

 

“This is our parting gift to the next administration. We hope that our new leaders will also prioritize our vaccination program and continue to build an immunity wall among our people,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Kumpiyansa  naman si Galvez na ang  high vaccination rate, kasama ang patuloy na pagsunod sa  health protocols, ay maaaring makapigil ng panibagong surge ng  infections.

 

 

“We have had many superspreader events in the past months, including the national elections, but we still managed to keep our new Covid-19 cases low because of our high vaccination rate,” ayon kay Galvez, habang binigyang diin ang patuloy na pagsusuot ng face masks, physical distancing, at madalas na paghuhugas ng kamay.

 

 

Samantala, ang pediatric vaccination ng gobyerno ay patuloy na nakakakuha ng momentum, na may 3,217,367 kabataan na may edad na 5 hanggang  11 ang fully vaccinated na.

 

 

Sa ilalim naman ng 12 hanggang 17 bracket, mayroon ng 9,487,745 ang nakatanggap ng kanilang full doses.

 

 

Muli namang nanawagan si Galvez  sa publiko na kumuha na ng kanilang  booster shots lalo pa’t kung sila’y eligible para palakasin ang proteksyon na ibinibigay ng  primary doses, na humihina “over time.”

 

 

Ang mga frontline health care workers atsenior citizens ay maaari ng makuha ang kanilang second booster shot apat na buwan matapos ang kanilang first booster dose, habang ang  immunocompromised adults ay kailangan na maghintay ng tatlong buwan matapos ang kanilang  first booster shot. (Daris Jose)

Other News
  • Ads September 2, 2020

  • Pinas, napag-iwanan na ng ibang bansa pagdating sa face-to- face schooling- Sec. Briones

    TANGING ang Pilipinas na lamang ang naiiwan sa mga bansa sa Southeast Asia na hindi pa bumabalik sa face-to-face classes.   Ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones na ito ang sinabi sa kanya ng UNCEF sa pakikipagpulong niya rito kamakailan.   Ayon sa Kalihim, ang face to face sa ibang bansa ay […]

  • Private hospitals na kakalas sa PhilHealth, balik-transaksiyon na

    BALIK-TRANSAKSYON  na sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang mga pribadong pagamutan na una nang nagbantang kakalas na sa state insurer, dahil sa pagkabigo nitong kaagad na mabayaran ang kanilang mga claims.     Ayon kay Dr. Shirley Domingo, vice president for corporate affairs ng PhilHealth, naresolba na ang isyu sa pagitan ng PhilHealth at […]