Administrasyong Marcos, prayoridad ang food security
- Published on June 20, 2022
- by @peoplesbalita
GAGAWIN lahat ng incoming administration ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang makakaya nito at pagsisikap upang matiyak ang food security sa bansa.
Ito’y matapos magbabala ang World Bank, World Trade Organization, United Nations Food and Agriculture Organization, at World Food Programme ng global food crisis na makaaapekto sa mahihirap at developing countries.
Sa isang kalatas, tiniyak ni Press Secretary-designate Beatrix Rose “Trixie” Cruz-Angeles sa publiko na ang administrasyong Marcos ay handa na patatagin ang food supply at paghusayin ang food production.
“Gaya nang nasabi na ni President-elect Marcos, mangangailangan ‘yan ng agarang tugon, at dapat agaran ding simulan ang pangmatagalang mga solusyon,” ayon kay Cruz-Angeles.
Kinilala naman ni Cruz-Angeles ang patuloy na nananaig na coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic, Russia-Ukraine crisis, climate change, at mataas na presyo ng langis ay kabilang sa mga dahilan ng global food insecurity.
Sinabi pa nito na ang ibang bansa na maaapektuhan ng nagbabadyang food shortage ay maaaring mapilitan na i-adopt ang mga hakbang na ginawa noong 2007-2008 global food crisis, kabilang na ang restriksyon sa food exports, tugunan ang problema.
Inamin nito na isang malaking hamon para sa Pilipinas na gawin ang kahalintulad na aksyon.
“May mga bansang mapipilitang magsuspinde ng export ng kanilang produkto upang matiyak ang sarili nilang suplay ng pagkain at agapan ang pagtaas ng domestic prices sa gitna ng pagsipa ng world prices,” ayon kay Cruz-Angeles. (Daris Jose)
-
EJ Obiena ‘wagi ng gold medal sa torneyo sa Sweden
MULI na namang nakasungkit ng gold medal ang Pinoy pole vaulter at Olympian na si EJ Obiena matapos magtala ng 5.92 meters sa ginanap na torneyo sa Taby Stavhoppsgala sa Sweden. Nalampasan ni Obiena ang dati niyang personal best na 5.85 meters doon sa Italy. Kung maalala noong buwan lamang ng […]
-
Pinas 2nd sa vaccination rollout sa Southeast Asia
Pumangalawa na ang Pilipinas sa estado ng ‘vaccination rollout’ sa Southeast Asia makaraang umakyat na sa 4,097,425 doses ang naipamahagi sa mga mamamayan, ayon sa National Task Force Against COVID-19 nitong Linggo. Sa datos mula sa Bloomberg World Data, nasa 4,097,425 kabuuang doses ng bakuna ang naibigay sa publiko ng Pilipinas habang nangunguna […]
-
Grupo ni Manny Pangilinan may planong magkaroon ng buy out sa Ayala’s LRT1 stake
TULOY ang plano ng Metro Pacific Investments Corp. (MPIC) sa ilalim ni Manny Pangilinan na bilihin ang 35 porsiento investment ng mga Ayalas sa operator ng Light Rail Transit Line 1 (LRT1) upang mas mapalakas ang MPIC’s portfolio na siyang magbibigay daan sa tuluyang pag-bid sa nasabing railway. “Our company is looking […]