• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SWS survey na nagsasabing bumuti ang lagay ng 32% adult Filipino, pruweba na epektibo ang hakbang ng gobyerno kontra Covid response–Malakanyang

LABIS na ikinatuwa ng Malakanyang  ang pinakahuling survey ng SWS na nagsasabing 32% ng  adult Filipino ang nagpahayag na mas maayos ang kanilang buhay nitong April 2022 kumpara sa  24% noong December 2021. 

 

 

Sinabi ni Presidential Communications Secretary at Acting Presidential Spokesperson Sec. Martin M. Andanar, isa lamang itong patunay na epektibo ang kasalukuyang pandemic response ng pamahalaan.

 

 

Aniya, nagawa ng gobyernong Duterte na mabalanse ang pagtugon kapwa sa aspetong pangkalusugan at pang- ekonomiya.

 

 

Malinaw aniya na lumabas sa survey na tuloy-tuloy na ang pagtakbo ng ekonomiya ng bansa at pagbangon nito.

 

 

Ito’y sa gitna ng dapat pa ring ipagpatuloy na pagmamatyag at pagbabantay sa mga bagong COVID-19 variants.

 

 

“We note the latest Social Weather Stations (SWS) Survey showing 32% of adult Filipino respondents thought their lives had gotten better off in April 2022 compared to 24% who had the same sentiment in December 2021,” ayon kay Andanar.

 

 

“We view this improvement an incontrovertible proof that the current government’s pandemic response is working, where we put premium on both health and the economy.  It is likewise a reaffirmation that we are now on our way to full economic recovery while maintaining our vigilance with the new COVID-19 variants,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)

Other News
  • PVL players sasailalim sa swab test

    Kagaya ng mga pumasok sa bubble sa Ins­pire Sports Academy sa Calamba, Laguna ay sasailalim din sa proseso ang 12 koponang sasabak sa unang professional tournament ng (PVL) sa Mayo 8.     Ito ang sinabi kahapon ni PVL president Ricky Palou sa Philippine Sportswriters Association (PSA) online Forum sa pagharap ng liga sa coronavirus […]

  • Kamara tuloy ang laban kontra hoarders, price manipulators

    Magpapatuloy ang Kamara  sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa pagtugis sa mga hoarder at price manipulator. Kasunod na rin ito sa ulat na bumaba ng hanggang P10 ang kada kilo ng sibuyas. Pinuri naman ni Deputy Majority Leader Rep. David Suarez (Quezon Province), isa sa mga lider ng House committee on […]

  • 30M Pinoys, makikinabang mula sa 6-year housing program

    TINATAYANG 30 milyong Filipinos ang inaasahang makikinabang sa 6-year housing program ng administrasyong Marcos sa 2028.       Tinukoy ang  year-end report ng administrasyon, sinabi ng  Office of the Press Secretary (OPS) na ang Pambansang Pabahay para sa Pilipino program ng  Department of Human Settlements and Urban Development’s (DHSUD) ay nakikitang mapakikinabangan ng   30 […]