• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BOOSTER SHOT PARA SA 12-17 EDAD, OKAY NA SA DOH

APRUBADO  na ng Department of Health (DOH) ang pagbibigay ng unang Pfizer booster para sa edad 12 hanggang 17 taong gulang.

 

 

Ito ang kinumpirma ngayon ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ngayong Martes sa media viber group nang tanungin kung aprubado na nga ni Health Secretary Francisco Duque III ang pagbibigay ng nasabing booster shot na Pfizer.

 

 

Ayon kay Vergeire, binabalangkas na ng DOH  ang guidelines nito at sa lalong madaling panahon ay mailalabas na.

 

 

“Yes,guidelines are being drafted already by DOH , sabi ni Vergeire .

 

 

Maalala na ang paggamit o pagtuturok ng Pfizer vaccine  para sa booster shots ng nasabing age group ay inirekomenda ng Health Technology Assessment Council o HTAC kay Duque.

 

 

Ang Emergency Use Authorization o EUA para sa Pfizer bilang booster shot sa mga nabanggit na menor-de-edad ay inamyendahan ng Food and Drug Administration o FDA . (GENE ADSUARA)

Other News
  • Santiago interesadong mag-SEAG at AWVC

    PINANGUNAHAN ng sikat na si Alyja Daphne ‘Jaja’ Santiago ang 16 na mga dumalo buhat sa 40 inanyayahan ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) sa women’s indoor team tryout nitong Miyerkoles sa Subic Gymnasium sa Zambales.     Karay ng Japan V. League gold medalist sa pagtitipon sina incoming Premier Volleyball League (PVL) stars Abigail […]

  • Nanliligaw pa rin pero malapit na raw sagutin DERRICK, inaming si ELLE na ang gusto niyang pakasalan

    IPINAGDIINAN ni Derrick Monasterio na “nanliligaw” pa rin daw ang status niya kay Elle Villanueva, sa kabila ng mukhang sila na naman.     Pero tingin naman daw niya, malapit na siyang sagutin ni Elle. Ang nagulat kami, being known as may pagka-playboy, kay Elle ay gusto na raw niyang ito na ang pakakasalan niya. […]

  • Publiko, hinihikayat na magsuot ng face mask habang tumataas ang kaso ng COVID-19

    HINIMOK ng isang analyst noong Sabado ang publiko na magsuot ng face mask kahit na sa mga bukas na lugar dahil ang bansa ay nakakaranas ng mataas na COVID-19 positivity rate.     Mula Setyembre 25 hanggang 30, nasa 15.2 porsiyento ang positivity rate ng bansa, tatlong beses na mas mataas kaysa sa 5-percent benchmark […]