‘Paghawak ni Marcos sa Department of Agriculture maituturing na ‘brilliant move’ – Piñol
- Published on June 23, 2022
- by @peoplesbalita
UMANI nang papuri ang naging hakbang ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. na hawakan mismo ng personal ang Department of Agriculture (DA) sa kanyang pag-upo sa pwesto.
Kabilang sa humanga ay si dating Agriculture Secretary Manny Piñol.
Si Piñol na natalo sa nakalipas na halalan sa pagkasenador ay sinabi na maituturing itong “brilliant move.”
Ayon pa sa kanya, kung mangyari ito ay baka manginig sa takot ang mga cartel at smugglers.
Liban nito, maging ang hihinihinging budget sa kongreso ay wala na ring haharang pa na “tigasin” dahil presidente na ng Pilipinas ang haharap sa kanila.
Kung maalala, kamakailan ay inimbestigahan din ng Senado ang isyu sa smuggling sa agrikultura at ang kontrobersiyal na pag-aangkat ng mga produkto kasama na ang isda, bigas, asukal at iba pa mula sa ibang bansa.
Sinabi pa ni Piñol na dati ring Mindanao Development chief at humawak sa Department of Agriculture sa pagitan ng taong 2016 hanggang 2019, kung pangulo mismo ang hahawak sa naturang kagawaran ay matitiyak na ang sapat na pondo at tulong para umangat pa ang sektor ng agrikultura.
-
Pacquiao, sanay na raw humarap sa mas malalaking boksingero kaysa kay Spence
Itinuturing ni American boxer Errol Spence na isang matinding laban ang matutunghayan ng mga boxing fans sa pagharap niya kay Filipino boxing champion Manny Pacquiao. Sa isinagawang unang presser ng dalawang boksingero para sa August 21, 2021 na laban tiniyak ni Spence na magwawagi ito. Alam daw niya ang kakayahan ng […]
-
PBBM, Cabinet tinalakay ang digital governance, pagpapagaan sa restriksyon
NAKIPAGPULONG si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong araw ng Martes, Oktubre 25 sa kanyang gabinete upang talakayin ang pag-usad ng mga plano ng administrasyon, kabilang na ang pagpapabuti ng pampublikong serbisyo sa pamamagitan ng digital na pamamaraan . Sa Facebook post ng Office of the President (OPS) nakasaad dito na pinag-usapan din […]
-
COCO at JULIA, mala-Mr. & Mrs. Smith ang peg sa promo shot para sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’
MALA-Mr. & Mrs. Smith ang peg ng promo shot nina Coco Martin at Julia Montes para sa FPJ’s Ang Probinsyano. Kaya naman may kanya-kanyang reaction ang netizens na ‘yun iba ay hindi nagustuhan. “Yung Probinsyano naging Spy na.” “Mr. And Mrs. Smith ang peg… “Bansot version. Anlayo ng Brad […]