• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

CHED, nagpahayag ng interes na busisiin ang k-12 program sa bansa

NAGPAHAYAG ng interes ang Commission on Higher Education (CHED) na busisiin ang pagiging epektibo ng K-12 program sa bansa.

 

 

Ginawa ni CHED Chairman Prospero de Vera ang naturang pahayag ng tanungin hinggil sa posisyon nito sa isinusulong na pagbuwag sa K-12 system.

 

 

Paliwanag ng opisyal na ipinatupad ang K-12 program bago pa man ang Duterte administration. Kailangan aniya na makita ang mga data mula sa ground at ihanay ito sa policy objectives ng batas at saka aniya gagawa ng desisyon hinggil sa naturang uspain.

 

 

Ayon kay De Vera , ang K-12 program sa Pilipinas ay naiiba dahil layon nito na makapag-produce pareho ng mga employable at university-ready graduates sa loob ng dalawang taon.

 

 

Aniya, ang pinakalayunin ng K-12 ay para maihanda ang mga estudyante para sa university education upang sa oras na tumuntong ang mga ito sa kolehiyo, major subject na dapat ang kanilang kinukuha.

 

 

Subalit ang K-12 program aniya sa Pilipinas ay naiiba dahil kapag nakapagtapos ng K-12 ang mga estudyante maaari na rin ang mga itong makapagtrabaho at kumita.

 

 

Lumutang ang usapin hinggil sa pagbuwag sa K-12 education system kasabay ng nallapit na pagpapalit ng bagong adminsitrasyon sa Hunyo 30.

 

 

Subalit ang K-12 program aniya sa Pilipinas ay naiiba dahil kapag nakapagtapos ng K-12 ang mga estudyante maaari na rin ang mga itong makapagtrabaho at kumita. (Daris Jose)

Other News
  • Sen. IMEE, isi-share ang style secrets at mga proseso sa paggawa ng batas

    ISA na namang weekend na hitik sa tawanan at mahalahagang bagong impormasyon kasama si Senator Imee Marcos ang matutunghayan sa premiere ng dalawang bagong vlogs na mapapanood sa kanyang opisyal na YouTube channel.     Sa araw na ito, Oktubre 21, ibabahagi ni Sen. Imee ang kanyang style secrets sa pagpapanatili ng kagandahan ng kanyang […]

  • MMDA naghigpit sa mga distracted drivers

    TUTULUNGAN ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang police authorities sa pagpapatupad ng batas laban sa drunk and distracted driving.   Sinabi ni MMDA general manager Jojo Garcia na ang kanilang ahensya ay nagsanib sa Philippine Nation Police Highway Group (PNP) at Land Transportation Office (LTO) “in a one time, big time operation” laban sa […]

  • HEART, ‘di maka-move on na nalagay ang billboard ad sa Times Square, NYC

    TUWANG-TUWA na ipinagmalaki ni Heart Evangelista-Escudero ang billboard ad niya sa pamosong Times Square sa New York City.   Last Friday, January 8, nag-tweet si Heart tungkol sa bagong milestone sa kanyang buhay: “Waking up with my face in Time[s] Square NY is so surreal.”   Kinabukasan, January 9, hindi pa rin maka-move on si […]