• June 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

HEART, ‘di maka-move on na nalagay ang billboard ad sa Times Square, NYC

TUWANG-TUWA na ipinagmalaki ni Heart Evangelista-Escudero ang billboard ad niya sa pamosong Times Square sa New York City.

 

Last Friday, January 8, nag-tweet si Heart tungkol sa bagong milestone sa kanyang buhay: “Waking up with my face in Time[s] Square NY is so surreal.”

 

Kinabukasan, January 9, hindi pa rin maka-move on si Heart na makita ang face sa famous commercial district ng NYC at I-represent ang sustainable fashion brand na nagpi-feature ng galing ng mga Filipino artisans.

 

“I still can’t believe that my billboard for @iasthreads is displayed in Times Square in New York!” tweet niya.

 

“I’m so grateful for such an incredible opportunity to highlight a sustainable brand that shows the talented craftsmanship of Filipino artisans. God is truly good!”

 

Hawak-hawak ni Heart ang isang clutch bag na gawa ng Ia’s Threads, na kilala sa kanyang mga luxury bag at minaudière, na ang mga produkto ay nagmumula sa mga maliliit na komunidad sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.

 

Noong 2019, kinilala si Heart ng Forbes France bilang isa sa mga top luxury influencers sa mundo at hinirang ang aktres bilang “Vogue 100,” ang listahan ng US-based magazine.

 

Samantala, excited na ang kanyang mga fans kung sino ang makakatambal niya sa sweeping romance drama na pagbibidahan, ang I Left My Heart in Sorsogon. 

 

Story ito ng isang fashion socialite, na babalik sa kanyang probinsiya, at muling mapapalapit sa kanyang pamilya, sa kanyang community at sa dating boyfriend niya.

 

Excited din si Heart na kanyang ipinost sa Twitter, “yes for my upcoming teleserye – “I Left My Heart in Sorsogon” –  you will see a lot of fashion and a whole lot of Sorsogon!”

 

Matatapos na ang replay ng kanyang My Korean Jagiya na napapanood sa GMA telebabad gabi-gabi after ng Love of my Life. (ROHN ROMULO)

Other News
  • “Philippine Traditional Wear Day” tuwing Hunyo 12, aprubado

    Inaprubahan ng House Committee on Basic Education and Culture ang pagtatalaga sa Hunyo 12 bawat taon bilang “Philippine Traditional Wear Day.”   Sa inihaing House Resolution 1374 ni Leyte Rep. Lucy Torres-Gomez, layon nito na isulong ang kamalayan at pagsasanay sa kulturang Pilipino sa pagdiriwang ng Araw ng Kasarinlan.   Isinasaad sa resolusyon na ang […]

  • 6 na atleta handa na sa pagsabak sa 2020 Tokyo Paralympics

    Lilisan na sa Linggo, Agusto 22 ang excited na anim na mga para-athletes ng Pilipinas sa sasalihang 2020 Tokyo Paralympics na gagawin mula Agosto 24 hanggang Septyembre 5 sa Tokyo, Japan.     Ang nasabing mga atleta ay kinabibilangan ng tig-dadalawa para sa swimming at athletics at tig-iisa naman para sa powerlifting at taekwondo.   […]

  • Nat’l Privacy Commission, nagbabala laban sa pagsasamantala sa mga kabataan

    NAGBABALA ang  National Privacy Commission (NPC) laban sa mga “online abuse at exploitation” na target ang mga kabataan sa isinagawang  Youth Privacy Advocates Annual Summit.     “Hihimukin nila na magbigay ka ng personal na impormasyon, gagawing ka-close yung mga bata. Ige-gain nila yung trust nung mga nakakausap nilang bata,” ayon kay Public Information and […]