• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOTr: PNR Lucena-San Pablo line on track

ANG Department of Transportation (DOTr) ay nagsabing ang pagbubukas ng Philippine National Railways (PNR) Lucena-San Pablo line ay tamang-tama sa pagtatapos ng pamunuan ni President Duterte.

 

 

 

“The PNR Lucena-San Pablo line would be reopened in the coming days. The reopening of the line will usher in economic and tourism growth in the provinces of Laguna, Quezon and nearby areas,” wika ng DOTr.

 

 

 

Sa pamamagitan ng Lucena-San Pablo line, ang travel time ay magiging 30 na minuto na lamang kumpara sa dating isang oras ng paglalakbay.

 

 

 

Nakikita rin na ang pagbubukas ng Lucena-San Pablo line ay isang importanteng pagkakataon para sa restoration ng PNR Bicol Express na siyang magdudugtong sa Metro Manila papuntang Southern Luzon provinces, kasama ang Laguna, Quezon, Camarines Sur at Sorsogon.

 

 

 

“Under the leadership of Secretary Art Tugade, the revival of the PNR Lucena-San Pablo line is a testament of the DOTr’s goal of providing a more comfortable and convenient life to the Filipino people through enhanced mobility and connectivity across the archipelago,” dagdag ng DOTr.

 

 

 

Ang PNR San Pablo-Lucena route ay may 44 na kilometrong inter-provincial commuter railway na siyang bahagi ng commuter train service sa Bicol na may mga estasyon at flag stops para sa mga araw-araw na sumasakay na pasahero at mga maigsing paglalakbay.

 

 

 

Maaarin rin gamitain ang PNR Lucena-San Pablo line na isang commercial o cargo freight service maliban sa pagiging passenger commuter nito. Huminto ang operasyon nito noong taong 2013 ng masira ang abutment nito.

 

 

 

Sa kabilang dako naman, pinagbigay-alam din ng DOTr na marami ng elevators at escalators sa Light Rail Transit Line 2 ang naayos at operasyonal na.

 

 

 

Mayroon ng 66 na escalators ang naayos mula sa 72 escalators na kabuohan nito at may 36 ng elevators ang umaandar na mula sa kabuohang 40 na elevators.

 

 

 

“Commuters can expect more convenience in their daily rides as more escalators and elevators have been restored at the LRT 2 stations,” saad ng DOTr.

 

 

 

Si DOTr Secretary Tugade ang nagutos upang ayusin ang lahat na sira at hindi umaandar na escalators at elevators sa LRT Line 2.

 

 

 

Ang Light Rail Transit Authority (LRTA) na siyang operator ng LRT Line 2 ang nagsabing ang pag-aayos ng mga elevators at escalators ay naaayon sa kanilang pagsisikap na pagandahin ang accessibility ng rail service sa mga pasahero lalo na sa mga matatanda, buntis at PWDs.

 

 

 

Ito ay may habang 17.69 na kilometro at may 13 na estasyon mula Recto sa Manila hanggang sa lungsod ng Antipolo. Mayron tinatayang 300,000 na pasahero kada araw ang sumasakay dito.  LASACMAR

Other News
  • Tricycle driver isinelda sa P170K shabu sa Valenzuela

    SHOOT sa selda ang 45-anyos na tricycle driver na sideline umano ang magbenta ng illegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyon halaga ng umano’y shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.     Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, ang naarestong suspek […]

  • STUDENT HEALTH PROFILING SA EDAD 12-17 SINIMULAN NA SA VALENZUELA

    SINIMULAN nang ipatupad ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang Student Health Profiling para sa mga estudyanteng 12 hanggang 17 taong gulang dahil sa napipintong pagbabakuna sa mga menor de edad laban sa COVID-19.     Ayon kay Mayor Rex Gatchalian, Setyembre 22 ang simula ng profiling, at kung ang anak ay nag-aaral sa public school sa […]

  • Hanga ang netizens sa pag-aalaga ng katawan… MAX, napagkakamalan na suplada sa pagganap na kontrabida

    PINAPALAKPAKAN ang pagiging kontrabida ni Max Collins sa primetime series ng GMA na ‘My Guardian Alien.’       First time daw siyang mag-all out kontrabida at nae-enjoy niya ito. Nagkaroon tuloy siya ng image na pagiging suplada sa tunay na buhay.       “Ang pinakamalaking misconception tungkol sa akin ay suplada raw ako. […]