• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Netizens, hindi na nagtaka at inaasahan na: DIEGO at FRANKI, bigla na lang nag-unfollow sa kani-kanilang Instagram account

NAPANSIN agad ng netizens na nag-unfollow na sa isa’t isa ang rumored couple na sina Diego Loyzaga at Franki Russel sa  Instagram.

 

 

Maaalala na ilang linggo pa lang nang aminin ng Viva actor na nagde-date nga sila ng ex-PBB housemate, pero tila matutuldukan agad ang kanilang namumuong relasyon.

 

 

SA IG Stories naman ni Diego may ipinost ito na excerpt mula sa isang libro kung saan nakalagay sa mensahe ang, “What must you do when someone is not ready to be with you? You walk away. Love yourself enough to walk away from anyone who does not know your worth.”

 

 

Kaya super react naman ang netizens nakatutok talaga kina Diego at Franki, na karamihan ay ‘di nagtaka at inasahan na raw nila ito:

 

 

“Isang linggong pagibig…”

 

“Ganun kabilis? Chos!”

 

“Its more like “isang linggong landian”

 

“Awwww… So sad…. Not.”

 

“Pagkatapos nilang magpa tattoo. Hiwalayan din ang bagsak. Lol”

 

“Aasahan mo kay Diego eh kakabreak lang kay Barbie. Lol”

 

“E ganyan nalang naman talaga mga modern-day dating. Especially with these kinds of showbiz peepz. Pa-enjoy-enjoy lang daw, no intentions for long-term companionship.”

 

“This guy needs to take a break. Sana magnilay-nilay ka muna ano ba dapat ang priorities mo.”

 

“Mabilis pa sa alas kwatro ah.”

 

“#alamnathis.”

 

“Wow! That was quick!”

 

“Cristine Reyes x Derek Ramsey v2.0.”

 

Pagbibiro pa ng isang marites, “frankie and diego was like “tara let’s unfollow each other just like rabiya and jeric and other couples para maipost tayo sa fashion pulis and people would talk about us! hihihi!”

 

Wala pang reaksyon sina Diego at Franki sa mga komento ng netizens at kung  kung ano talaga ang nangyari kung bakit sila nag-unfollow sa isa’t-isa.

 

Samantala, may unang pasilip naman si Direk Darrl Yap sa latest movie niya sa Viva Films ang Maid in Malacanang na kung saan makikita sina Cristine Reyes bilang Imee, Ella Cruz bilang Irene at Diego bilang Bongbong.

 

Iba’t-iba ang naging reaction ng netizens, na karamihan ay hindi sangayon at nanglalait kung bakit ang tatlo ang napiling gumanap bilang magkakapatid na Marcos.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Banario, Belingon, Pacio lumayas na din sa Team Lakay

    Nagpapatuloy ang mapait na pagtatapos para sa Baguio-based stable na Team Lakay dahil umalis na sa pugad ang dalawa pa nitong stalwarts na dating ONE world champion na sina Honorio Banario at Joshua Pacio.   Si Banario, isang dating featherweight champion sa Singapore promotion na ONE Championship, ay nag-anunsyo ng kanyang paglisan mula sa Team […]

  • Batang lalaki nalunod sa Navotas

    Nasawi ang isang siyam na taong gulang na batang lalaki matapos malunod sa ilog sa Navotas City, kamalawa ng hapon.     Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang biktima na si Justine Antonio, 9-anyos ng No. 497 Gov. Pascual, Brgy. Daang-Hari.     Sa inisyal na imbestigasyon nina PSSg Levi Salazar at […]

  • 22 nadakma sa drug operation sa Valenzuela

    UMABOT sa dalawampu’t dalawang hinihinalang drug personalities, kabilang ang tatlong bebot ang nasakote ng pulisya sa magkahiwalay na drug operation sa Valenzuela City.     Ayon kay PLT Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela police, dakong alas-6:50 ng umaga nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLT […]