Unang anibersaryo ng kamatayan ni Noynoy Aquino ginunita
- Published on June 25, 2022
- by @peoplesbalita
GINUNITA kahapon June 24 ang unang anibersaryo ng pagpanaw ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III. Si Noynoy ang ika-15 na presidente ng bansa, na siyang naglingkod siya mula 2010 hanggang 2016.
Nag-alay ng misa para sa dating pangulo na siyang dinaluhan ng malalapit niyang kamag-anak, kaibigan at mga dating nakatrabaho. Isinagawa ang nasabing misa sa Church of the Gesu sa Ateneo De Manila University, Quezon City.
“Our family’s story has been compared to a roller coaster many times. We have had lots of highs and probably an equal number of lows. Our highs would be comparable to yours, but our lows were extraordinary. There were times when we felt like we were a deadly virus, worse than COVID. Our mother bore the brunt of that and later, Noynoy did,” ani Ballsy Aquino-Cruz, kapatid ni Noynoy, Biyernes.
“May you always believe just as I do–that the Filipino is really worth fighting for, that the Filipino will indeed rise up to the occasion, that God has a good plan for all of us… Know that this is just a phase”.
[“Nawa’y lagi kayong maniwala tulad ko–na ang Pilipino ay talagang karapat-dapat na ipaglaban, na ang Pilipino ay talagang babangon sa okasyon, na ang Diyos ay may magandang plano… para sa ating lahat… Alamin na ito ay isang yugto lamang.”
Dumating din sa misa sina outgoing Vice President Leni Robredo, Sen. Francis “Kiko” Pangilinan, Sen. Franklin Drilon at dating Interior secretary Mar Roxas.
Nagtapos ang okasyon sa isang tribute video kay Noynoy upang balikan ang mga natatanging legasiya at kanyang mga ginawa noong siya ay nagsilbi sa pinakamataas na posisyon sa bansa.
Matatandaang pumanaw si “PNoy” noong Hunyo 2021, matapos iulat na isinugod siya sa Capitol Medical Center sa Lungsod ng Quezon. Ayon sa kanyang death certificate, renal disease secondary to diabetes ang kanyang ikinamatay.
Ang sinabi ni Ballsy ay reference mula sa 1980 speech ni kanilang ama, dating Sen. Benigno “Ninoy” Aquino Jr., sa New York nasa Martial Law ang Pilipinas sa ilalim ng diktador na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
Binaril si Ninoy sa Manila International Airport sa pagbabalik niya sa Pilipinas noong 1983 matapos wakasan ang self-imposed exile sa Amerika. Nagbigay ito ng panibagong sigla sa oposisyon na nagtulak sa pag-aalsang People People noong 1986 na nagpatalsik kay Marcos. (Daris Jose)
-
Suspensiyon sa deliberasyon sa pondo ng PCOO, pinalagan ni PCOO Usec. Badoy
Unfair! Ito ang naging pahayag ni PCOO Undersecretary Lorraine Badoy matapos suspendihin ang budget hearing na may kinalaman sa proposed budget ng Presidential Communications Operations Office (PCOO). Ayon kay Badoy, hindi makatuwiran na nagkaroon ng delay sa budget deliberation na ayon sa Makabayan bloc ay dapat lang na isisi sa kanya. Giit […]
-
‘Wag choosy sa bakuna – Malacañang
Hindi maaaring mamili ng brand ng libreng bakuna ang mga magpapaturok, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque. Sinabi ni Roque na bagaman at may karapatan ang lahat upang magkaroon ng mabuting kalusugan pero hindi maaaring maging pihikan sa mga babakunahan. “Totoo po, meron tayong lahat na karapatan para sa mabuting kalusugan pero hindi naman […]
-
Ads November 16, 2021