No unloading incidents sa MRT 3 ngayon tumataas na ang ridership
- Published on June 25, 2022
- by @peoplesbalita
WALANG naitalang unloading incidents sa Metro Rail Transit 3 simula pa noong nakaraang taon habang tumataas naman ang bilang ng mga pasahero nito.
“MRT 3 has been hitting more than 350,000 weekday ridership for now beginning May 25 with the highest at 370,276 passengers recorded last June 6 and yet no unloading incidents have been reported,” wika ng pamunuan ng MRT 3.
Ang huling naitalang unloading incident ay noong pang July 16, 2020. Mayron limang (5) passenger unloading incidents ang nangyari noong 2020, 28 incidents noong 2019, 57 noong 2018, 463 noong 2017, 586 sa taong 2016 at 417 noong 2015.
Ayon sa MRT 3, nagkaron ng mga improvements dahil sa patuloy na tamang maintenance at testing ng performance ng fully rehabilitated na subsystems ng MRT 3.
Samantala, may mahigit ng 20 million na pasahero ng MRT 3 ang sumakay ng libre mula ng ilungsad ito noong March 28 hanggang June 6,2022.
Ang libreng sakay ay may tinatayang P286 million na revenue losses simula ng magkaron ng libreng sakay noong March 28 hanggang May 28,2022.
Para naman sa extension ng operasyon ng libreng sakay hanggang sa darating na June 30, tinatayang aabot sa pagitan ng P150 million hangang P180 million ang kanilang magiging foregone revenues.
Subalit sinabi naman ng pamunuan ng MRT 3 na kanilang kukunin ang mga revenue losses sa kanilang subsidy funding na P7.1 billion mula sa General Appropriations Act.
Dagdag pa ng MRT 3 na ipauubaya na lamang nila sa bagong administrasyon kung itutuloy pa nila ang programa sa libreng sakay.
Sumailalim ang MRT 3 sa isang rehabilitation at maintenance program ng 2 taon upang maging maaayos ang electromechanical components, power supply system, rail tracks, depot equipment, elevators at escalators sa lahat ng stations kasama na rin ang overhaul ng 72 light rail vehicles (LRVs).
Ang headway o waiting time sa pagitan ng mga trains ay nabawasan din mula 10 minutes at ngayon ay 3.5 minutes na lamang. Umikli na rin ang travel time mula sa estasyon ng North Avenue papuntang estasyon ng Taft kung saan ito ay 45 minutes na lamang kumpara sa dating 1 hour at 15 minutes.
Tumaas na rin ang operating speed ng MRT3 mula sa dating 25 kph at ngayon ay 60 kilometers per hour na. Sa ngayon ay may 23 ng operational trains mula sa dating 13 trains. LASACMAR
-
Spence umatras na sa laban nila ni Pacquiao dahil sa injury sa mata
Hindi matutuloy pa ang pagharap ni Manny Pacquiao kay Errol Spence Jr. Ito ay matapos na magtamo ng eye injury ang undefeated American boxer. Ayon sa World Boxing Association, natamo ni Spence ang torn retina sa kaniyang kaliwang mata habang ito ay nasa training para sa laban sana ng dalawa sa darating […]
-
Ads January 24, 2020
-
Serena Williams bumagsak ang ranking sa WTA
BUMAGSAK ang rankings ni US tennis star Serena Wiliams sa WTA rankings. Base sa inilabas na WTA rankings ay nasa pang-59 na puwesto ang 40-anyos na si Williams. Ito ang unang pagkakataon mula noong 2006 na hindi nakasama sa top 50 ang US tennis star. Nasa unang puwesto si […]