• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Renomination ni Nograles bilang chairperson, OK sa CSC

WELCOME sa Civil Service Commission (CSC) ang ginawang ‘renomination”  ni  President-elect Ferdinand Marcos Jr. kay dating cabinet secretary Karlo Nograles bilang  Chairperson-designate ng nasabing ahensiya.

 

 

“We were already off to a good start with Chair Karlo’s earlier brief stint at the Commission. Now that he’s back, I, together with Commissioner Ryan Acosta, as well as the rest of our officials and employees, are eager to continue working with him on the plans and much-needed reforms we had laid down for the civil service,” ayon kay CSC Senior Commissioner Aileen Lourdes A. Lizada.

 

 

Ayon sa CSC, bahagi ng kanilang plano sa ilalim ni Nograles ay ang palitan ang  “outdated modes of service delivery through proactive HR policies and programs, digitalization, and upskilling of the government workforce.”

 

 

Tinukoy ng CSC  na dahil sa fast-changing needs at kondisyon ng workforce, prayoridad nito na gawing “adaptive at fragile” ang public service delivery  upang masiguro na nagpapatuloy sa gitna ng krisis o  emergencies.

 

 

Ang CSC Resolution No. 2200209, o ang Policies on Flexible Work Arrangements in the Government ay  “one of the last policy resolutions the Commission promulgated before Nograles stepped out of the agency. The policy aims to provide adaptable and responsive work schemes for government officials and employees to manage any current or emergent situations caused either by natural and man-made calamities or any other situation that may affect the delivery of public services.”

 

 

Samantala, nagpahayag naman ng kanyang pasasalamat si Nograles kay Marcos  para sa panibagong pagkakataon para  pangunahan ang  constitutional body.

 

 

“I thank President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. for his trust and confidence. Maraming, maraming salamat po for this opportunity to continue our efforts to further professionalize the civil service, not only to make it world-class but, more importantly, to better serve our fellow Filipinos especially during these trying times,” ayon kalatas ni Nograles.

 

 

“I am very excited to return to the Civil Service Commission and lead it into the better normal, together with its committed and dedicated public servants,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Si Nograles ay pinagkalooban ng an ad-interim appointment bilang  CSC Chairperson ni  incumbent President Rodrigo Roa Duterte noong Marso 4, 2022 at nagsilbi hanggang Hunyo 1, 2022.

 

 

Si Nograles, nagsilbi ng three terms  bilang kinatawan ng  1st District of Davao City mula 2010 hanggang 2018, kung saan siya ang  chairman ng  Committees on Labor and Employment (16th Congress) at Appropriations (17th Congress), na sa kalaunan ay itinalaga ni Pangulong Duterte bilang  Cabinet Secretary  noong Nobyembre  2018.

 

 

Nagsilbi rin siya bilang presidential spokesperson at co-chair at spokesperson ng  Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID). (Daris Jose)

Other News
  • NURSING STUDENT UTAS SA SUNOG SA MALABON

    ISANG 20-anyos na babaing nursing student ang nasawi matapos umanong ma-trap sa nasusunog nilang tirahan sa Malabon City, Miyerkules ng umaga.     Natutulog umano ang biktimang si alyas “Nyanza”, working student ng Our Lady of Fatima University sa ikalawang palapag ng kanilang tirahan sa A. Bonifacio St., Brgy. Tugatog nang sumiklab ang sunog dakong […]

  • Dahil nakitang masaya at okay na: ‘Life update’ IG stories ni KATHRYN, ikinatuwa ng fans

    SA post ni Kathryn Bernardo sa kanyang Instagram stories ng photos niya na may caption na, “Life Update,” positibo ang naging dating nito. Sa larawan, makikita si Kathryn na tila nag-aayos ng napakarami niyang damit at ang isang larawan naman, kumakain sila ng ine-endorsong fastfood. Parehong tila masaya naman si Kathryn sa bawat photos. Hindi […]

  • PBBM pinangunahan ang sectoral meeting, sumentro sa Economic Resiliency ng bansa sa harap ng Global Economic Slowdown

    SUMENTRO  sa Economic Resiliency ng bansa sa harap ng Global Economic Slowdown ang sectoral meeting na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Malakayang kaninang umaga kasama ang economic cluster.     Kabilang sa mga dumalo sina Finance Secretary Benjamin Diokno, NEDA Director, General Arsenio Balisacan at DBM Secretary Amenah Pangandaman.     Bukod sa […]