11 Gilas members para sa FIBA Asia Qualifiers ipinakilala na
- Published on June 28, 2022
- by @peoplesbalita
INANUNSIYO na ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) ang 11-player roster na sasabak sa ikatlong window ng FIBA Basketball World Cup 2023 Asian Qualifiers.
Itinalagang team captain ng national basketball team si Gilas Pilipinas veteran Keifer Ravena.
Si Ravena kasi ang itinuturing na mas maraming karanasan na naglaro noong 2019 World Cup.
Karamihan sa mga napili ay mga naglaro na noong FIBA Asia Cup 2022 Qualifiers gaya nina Dwight Ramos, William Navarro, RJ Abarrientos, Dave Ildefonso, Carl Tamayo, Francis Lopez, SJ Belanguel, Geo Chiu, Rhenz Abando at Kevin Quiambao.
Unang makakaharap ng Gilas ang New Zealand sa June 30 na gaganapin sa Auckland habang makakalaban ang India sa July 3 na gaganapin naman sa Manila.
-
Walang ‘exempted’ sa mega-task force probe vs korupsyon – Palasyo
TINIYAK ng Malacañang na walang exempted sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Justice (DOJ) na imbestigahan ang mga alegasyon ng korupsyon sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan. Pahayag ito ni Presidential Spokesman Harry Roque kasunod ng sinabi ni Sen. Panfilo Lacson na nagsimula sa maling paraan ang mandatong ito ni Pangulong […]
-
Show cause orders, ipinalabas laban sa 48 LGUs
IPINALABAS na ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año ang show cause orders laban sa 48 local government units para sa mabagal na distribusyon ng cash aid o ayuda para sa mga Typhoon Odette survivors. Sa Talk to the People ni Pangulong Duterte, araw ng Martes, sinabi ni Año na hiniling niya […]
-
DEPLOYMENT NG OFWs SA SAUDI, SINUSPINDE
PANSAMANTALANG sinuspinde ang deployment ng Overseas Filipino workers (OFWs) sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA) . Ito ang ipinag-utos ni Labor Secretary Silvestre Bello III kasunod ng natanggap na ulat ng Kagawaran na ang mga umaalis na mga OFWs nire-require ng kanilang mga employer o foreign recruitment agencies nba balikatin ang gastos sa […]