Biggest movie to date na ipalalabas sa mga sinehan: Sen. IMEE, pagbabasehan ng kuwento ng last 72 hours nila sa Malacanang
- Published on June 28, 2022
- by @peoplesbalita
FAMILY dramedy movie ang ‘Maid In Malacanang’, ang pinakabagong offering mula sa Viva Films to be directed by the controversial Darryl Yap.
Bida sa movie sina Cesar Montano as the late president Ferdinand Marcos, si Ruffa Gutierrez as former First Lady Imelda Marcos, Cristine Reyes as Sen. Imee Marcos, Diego Loyzaga as now President Bongbong Marcos and Ella Cruz as Irene Marcos.
Sabi ni Boss Vic del Rosario, ito raw ang biggest movie to date ng Viva na ipalalabas sa mga sinehan. Hindi pa man sinisimulan ang shoot ay may playdate na ito agad which is on July 20.
Buong Pilipinas daw ang release ng movie pati na rin sa iba’t-ibang platforms.
“We hope that is going to be the first box-office film after the pandemic,” sabi pa ni Boss Vic.
Ayon naman kay Direk Darryl, ang pinagbasehan ng kwento ay nagmula kay Sen. Imee Marcos who said ito ang version nila of truth sa last 72 hours nila sa Malacanang.
Sinabi pa ni Direk Darryl, wala daw pwedeng mag-refute ng kwento dahil wala naman daw ibang kasamang tao ang mga Marcoses sa Malacanang sa kanilang last three days.
Thru the movie ay makikita raw natin na ang Marcoses ay tulad ng pangkaraniwang Pinoy family na may pinagdadaan na katatawanan at kalungkutan sa buhay.
***
MUKHANG nagiging favorite actor ng The Idea First Company si Christian Bables.
Bida si Christian sa bagong movie ng The First Company titled Mahal Kita, Beksman kung saan tampok din sina Keempee de Leon at Katya Santos.
Suwerte si Christian sa mga movies niya sa The Idea First Company. Hindi lang critically-acclaimed ang mga ito kundi win din siya ng acting awards.
Last year ay nanalo siyang Best Actor sa Metro Manila Film Festival for Big Night.
To be fair kay Christian, bawat movie na ginagawa niya ay may improvement ang kanyang acting. He is always better sa next movie na ginawa niya.
He makes good use of his God-given talent in a good way.
Ang Mahal Kita, Beksman ay sinulat ni Fatrick Tabada. Siya rin ang writer ng Patay na Si Jesus at Born Beautiful.
***
HITIK sa sex and violence ang Virgin Forest, ang latest movie ni Direk Brillante Mendoza na nagkaroon ng special preview sa Gateway Cinema 7 last week.
Pero kahit na may sex and violence, relevant ang Virgin Forest dahil tinatalakay nito ang issue ng corruption, prostitution at greed bilang backdrop ng kwento.
Direk Brillante took it upon himself to tackle various issues sa movie when it was greenlighted by Viva for production.
“We all know that the audience of Vivamax looks for sex so there is the theme of prostitution. I just don’t want to use prostitution to show nudity, love scenes and all. They are all intentional, not just to shock the viewers but also for us to have critical thinking,” paliwanag niya.
Matagal nang problema ang illegal logging sa ating mga kagubatan pero ngayon lang ito tinatalakay sa pelikula ni Direk Dante.
Bagamat nakagugulat ang eksena ng mga babaeng nakahubad, integral naman ang nudity sa kwento. Hindi naman basta inilagay lang ang mga sexy scenes.
Maganda ang pelikula at kapuri-puri ang acting ng main cast led by Sid Lucero, Angeli Khang at Vince Rillo.
Kahit na may eksenang “sumilip” ang private part ni Sid ay hindi naman ito big deal sa actor. Aksidente naman ito at hindi naiwasan. Cool lang si Sid sa nangyari.
(RICKY CALDERON)
-
New Posters of ‘Hotel Transylvania: Transformania’ Unveils Monster & Human Mashups
TRANSFORM your year with the Drac Pack as Columbia Pictures launches two new posters for the highly awaited comedy-adventure Hotel Transylvania: Transformania. Check out the one-sheet artworks and watch the film in Philippine cinemas soon. See the film’s trailer below: https://www.youtube.com/watch?v=2fIBGNbgKrI Drac and the pack are back, like you’ve […]
-
PIA, sinira siraan ng kapatid dahil dinedma sa tulong pinansyal
NAKAALIS na si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach patungong United Kingdom sabi ng taong malapit sa kanya. May personal na lakad daw ang dalaga at mukhang inaadya ng pagkakataon na pumunta ng UK si Pia kung saan nakatira ang kapatid niyang si Sarah Wurtzbach-Manze na posibleng sumegue na para makausap ang bunsong kapatid. […]
-
Championship experience gumana na! Celtics tinambakan ng Warriors sa game 2
MATINDING opensa at mahigpit na depensa ang ginamit ng Golden State Warriors para gantihan ang Boston Celtics, 107-88, sa Game Two ng NBA Finals. Humataw si Stephen Curry ng 29 points kasama ang limang three-point shots para sa 1-1 pagtabla ng Warriors sa Celtics sa kanilang best-of-seven championship series. Tumipa si […]