• December 4, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PIA, sinira siraan ng kapatid dahil dinedma sa tulong pinansyal

NAKAALIS na si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach patungong United Kingdom sabi ng taong malapit sa kanya.

 

May personal na lakad daw ang dalaga at mukhang inaadya ng pagkakataon na pumunta ng UK si Pia kung saan nakatira ang kapatid niyang si Sarah Wurtzbach-Manze na posibleng sumegue na para makausap ang bunsong kapatid.

 

Nitong Linggo ay tinilad-tilad ni Sarah ang ate Pia niya dahil masama ang loob nito dahil hindi raw siya sinusuportahan nito sa oras ng pangangailangan gayung kapag ang huli naman ng nangailangan ng tulong ay nasa tabi niya ang una.

 

Base sa series of post sa IG story ni Sarah ay humingi siya ng tulong pinansyal mula sa ate Pia niya pero hindi siya siguro pinagbigyan dahilan kaya siya nagtatalak.

 

‘Ang baho ng ugali mo!’ ito ang unang post ni Sarah.

 

Nagkuwento na nga ng mga sama ng loob nito at idinamay pa ang nanay nilang si Gng. Chery Alonzo-Tyndall na magsama sila ni Pia.

 

Sabi namin sa taong malapit kay Pia na baka hindi binigyan ng tulong pinansyal ang kapatid kaya nagngangawa.

 

“Jusko, sa tingin mo ba may pagkukulang si Pia sa kanya? Sobra sobra pa nga, di lang financial!”Pagtatanggol sa dalaga.

 

Base rin nga sa mga post ni Pia sa kanyang IG ay close silang magkapatid at sa katunayan ay si Sarah ang unang dinalaw ng ate niya noong Hulyo nang magkaroon ng biyahe palabas ng bansa.

 

Si Sarah ay nakatira sa London, United Kingdom at mahal na mahal ni Pia ang anak nitong si Lara na limang taong gulang na ngayon dahil lucky charm niya ang bagets.

 

Nakuwento pa ni Pia sa kanyang IG na noong ipanganak si Lara ay nanalo siya bilang Binibining Pilipinas Universe 2015 hanggang sa nagtuluy-tuloy na ang magagandang nangyari sa buhay niya.

 

Kaya marami ang nagulat nang mabasa ng publiko ang paninira ni Sarah kay Pia.

 

Hiningan namin ng pahayag ang business manager ni Pia na si Rikka Infantado-Fernandez.

 

“This is a family matter so we respect their privacy. We pray for a peaceful reconciliation and healing for all concerned. Thank you,” say ni Rikka.

 

Binalikan namin ang taong malapit kay Pia kung ano ang reaksyon ng dalaga.

 

“Siyempre malungkot. Aayusin nila ‘yan as a family. Di kami nagkukulang sa pag-alalay kay Pia. Pero mahirap rin makialam kasi pamilya ‘yan,” sambit sa amin.

 

Samantala, tila nahimasmasan na si Sarah sa mga paratang niya sa ate Pia niya dahil nakiusap siya sa publiko na huwag kamuhian ang kapatid base sa post niya sa IG stories.

 

“Stop hating on Pia.

 

“Yes I am angry and I still am, but your negative words will not fix anything.

 

“If anything, you’re condoning negativity and that’s what’s wrong with the world.

 

“I’m fighting a losing battle everyday and I’m sorry if I took it this far, but being silenced for many years takes a toll on you.

 

“I don’t want fame, or be acknowledged by others, or money, or things.

 

“I really just want a hug. I feel so alone everyday.

 

“Id rather vent my anger how- ever I can, any way I can so long as it can release from within.

 

“I wanna be able to make it to tomorrow and wake up to my kids knowing that mommy hasn’t given up and she’s staying alive for us.

 

“Even though it’s easier to just end it all.” (Reggee Bonoan)

Other News
  • Coach Tim Cone maraming natutunan sa NBA Summer League na puwedeng magamit sa PBA

    BABALIK na sa Pilipinas si Tim Cone at posibleng sa araw na Linggo ay balik na rin sa kanyang pagko-coach sa Barangay Ginebra.     Magtatapos na rin kasi ang pagiging assistant coach niya sa Miami Heat sa ginaganap na NBA Summer League sa Las Vegas.     Huling game na ng Miami kontra sa […]

  • Pacquiao kontra Garcia konting kendeng na lang

    LUMALAKAS ang alingawngaw para sa napipintong banatan nina eight-division world men’s professional boxing champion Emmanuel Pacquiao at World Boxing Council (WBC) interim lightweight champion Ryan Garcia ng Estados Unidos sa taong ito.     Mismong ang ama na si Henry Garcia ang atat na sagupain ng 22 taong-gulang, 5-10 ang taas at tubong California niyang […]

  • GCQ SA NCR,BULACAN, CAVITE, LAGUNA AT RIZAL

    BUNSOD ng patuloy na pagtaas ng kaso ng Covid-19 ay napagkasunduan ng Inter-Agency Task Force (IATF) na ipatupad ang mga bagong hakbang sa mga lugar nasa ilalim sa General Community Quarantine (GCQ) mula ngayong araw, Marso 22 hanggang Abril 4.   Una na rito ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ay ang pansamantalang sinususpinde ang […]