PDU30, inaming talagang tinira ang ABS-CBN
- Published on June 29, 2022
- by @peoplesbalita
INAMIN ni outgoing President Rodrigo Roa Duterte na talagang tinira nito ang ABS-CBN at sinabihan ang mga miyembro ng Kongreso na nakikipag-deal sila sa isang “mandaraya.”
“Tinira ko talaga sila,” ayon kay Pangulong Duterte.
“I used the presidential powers to tell Congress that you are dealing with scoundrels and if you continue to kowtow with them, kawawa ang Pilipino” dagdag na pahayag nito sa kanyang naging talumpati sa oath-taking ng mga lokal na opisyal sa kanyang hometown sa Davao City.
Sa talumpati pa rin ng Pangulo, mayroon ding itong mga pahayag sa ibang negosyo na nagsasamantala sa mga Filipino.
Matatandaang, Mayo ng taong 2020 nang magpalabas ng cease and desist order ang National Telecommunications Commission (NTC) laban sa ABS-CBN na iniuutos ang pagtigil ng operasyon ng kompanya matapos mapaso ang prangkisa nito.
Sa direktiba, inutusan ng NTC ang network na itigil ang kanilang mga TV at radio operation habang wala pa itong karampatang prangkisa.
Hulyo ng taong 2020 pa rin nang ibasura ng Kamara ang aplikasyon ng ABS-CBN para sa bagong prangkisa nito.
Nasa 70 mambabatas ang bumoto pabor sa resolusyon ng binuong technical working group na nirekomendang huwag bigyan ng prangkisa ang ABS-CBN, kumpara sa 11 na tumutol dito.
Samantala, dalawa ang nag-inhibit at isa ang nag-abstain.
Nagmula ang mga mambabatas sa House committee on legislative franchises at mga lider ng Kamara na ex-officio members.
Labing-dalawang beses humarap sa Kamara ang mga opisyal ng ABS-CBN para manawagan ng bagong prangkisa na makapag-operate alang-alang sa 11,000 manggagawang nakadepende sa network. (Daris Jose)
-
Tulfo, Villar nagkasagutan sa hearing
DAHIL sa usapin ng mga private developer na ginagawang residential at commercial space tulad ng mga palayan at subdivision kaya nagkainitan sina Senators Raffy Tulfo at Cynthia Villar sa gitna ng pagdinig ng senado sa 2023 budget ng Department of Agriculture (DA). Nag-ugat ang sagutan ng dalawang senador matapos tanungin ni Tulfo kay […]
-
PDu30, umaasa na mauulit ang matagumpay na unang ‘Bayanihan, Bakunahan’
DAHIL sa tagumpay ng bansa sa kauna-unahang sabay-sabay na vaccine drive laban sa Covid-19 mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 3, umaasa si Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa kahalintulad na resulta para sa “second round” nito sa susunod na linggo. Sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi, sinabi ni Pangulong Duterte na […]
-
Ads May 5, 2022