May pagkakaiba ba ang “Single Parent” sa “Solo Parent”?
- Published on June 30, 2022
- by @peoplesbalita
OPO. Ang mga kinukunsidera na solo parent ay naka-enumerate sa batas R.A. 8972 Solo Parent Welfare Act.
May amendment sa batas na ito ang Senate Bill 1411 kaya’t pag ganap nang batas, may mga madadagdagan na klase ng Solo Parents.
Maraming Single Parents ay maituturing sa Solo Parents kung ang kanilang status sa buhay ay kwalipikado ayon sa batas. Pero hindi lahat ng Single Parent at maituturing na Solo Parent.
Halimbawa ang isang Single Mother na sinusuportahan naman siya at ang kanyang anak ng ama ng bata. Sa batas, isang elemento sa pagiging Solo Parent ay “Left Solo or Alone with the responsibility of Parenthood”. Kaya pag may simpatyang natatanggap mula sa ibang tao sa pag aaruga at pagpapalaki ng anak hindi siya matuturing na Solo Parent. Kaya’t hindi siya kwalipikado sa mga benepisyo sa ilalim ng Solo Parent Act.
Pero paano kung kulang ang binibigay na suporta o kaya naman kailangan pang idemanda ang ama ng bata? Pera lang ba ang kailangan ng Solo Parent?
Ito ang isang nakikita ng inyong lingkod na maaring maikonsidera ng ating mga mambabatas na kahit nakatatanggap ng pera ang ina ng bata ay maaari pa rin siyang ikonsidera na solo parent at ma-avail nya ang mga benepisyo sa ilalim ng batas.
Maaari kayang idagdag bilang Solo Parent ang mga sumusunod:
- a) Parent Left Solo or Alone with the responsibility of Parenthood Receiving Financial support to the child/children but such amount is inadequate for everyday subsistence, education and other basic needs of the child/children.
- b) Parents receiving financial support by virtue of a court order or decision.
Ang dahilan ay simple – kung hindi sapat ang suporta, dapat ang batas ang magpuno ng pagkukulang dahil bakit ipagkakait nating ang benepisyo ng batas kung ang ipinaglaban lang naman ng magulang ay kapakanan ng kanyang anak. (Atty. Ariel Inton Jr.)
-
NAVOTAS lumagda sa MOA upang magtatag ng School Peso Desk
PUMASOK ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa isang Memorandum of Agreement para sa pagtatag ng isang Public Employment Service Office (PESO) Help Desk sa Navotas Polytechnic College (NPC) at lahat ng senior high school sa Navotas. Pinirmahan ni Mayor John Rey Tiangco ang MOA kasama si Dr. Meliton Zurbano, Schools Division Superintendent; Dr. […]
-
Yorme Isko nasa Top 3 ng mga lalaking hinahangaan sa buong bansa
ISANG malaking karangalan, hindi lamang sa mga mamamayan ng lungsod ng Maynila kundi sa buong bansa, ang pagkakabilang ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso bilang isa sa mga lalaki at babaing hinahangaan sa Pilipinas. Tanging si Mayor Isko Moreno lamang mula sa mga halal na alkalde sa buong kapuluan ng bansa ang napabilang sa […]
-
Pagpapaliban ng 2022 Barangay at SK elections, aprubado sa komite
INAPRUBAHAN ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms na pinamumunuan ni Mountain Province Rep. Maximo Dalog, Jr. ang substitute bill na magliliban ng December 2022 Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa susunod na taon. Ang substitute bill ay pinagsama-samang mahigit sa 30 panukalang batas. Sinabi ni Dalog na kabilang dito […]