Yorme Isko nasa Top 3 ng mga lalaking hinahangaan sa buong bansa
- Published on October 2, 2020
- by @peoplesbalita
ISANG malaking karangalan, hindi lamang sa mga mamamayan ng lungsod ng Maynila kundi sa buong bansa, ang pagkakabilang ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso bilang isa sa mga lalaki at babaing hinahangaan sa Pilipinas.
Tanging si Mayor Isko Moreno lamang mula sa mga halal na alkalde sa buong kapuluan ng bansa ang napabilang sa mga hinahangaang lalaki at babae sa isinagawang pagsusuri ng banyagang survey firm.
Si Mayor Isko ay nasa pangatlo sa hanay ng mga lalaking hinahangaan sa buong bansa batay sa pagsusuri at opinyon ng pandaigdigang data company na YouGov sa kanilang pinakahuling datus para sa taong 2020.
Naungusan ni Mayor Domagoso sa pinakahinahangaang personalidad ang bantog na singer/actress na si Sarah Geronimo at maging ang international action star na si Jackie Chan.
Maging ang bantog na American singer na si Taylor Swift ay nasa pang-walong puwesto lamang sa pinakahahangaan batay sa datus ng YouGov, habang nasa pang-siyam na puwesto naman si Pope Francis at nasa panghuli ang Academy Award at tatlong Golden Globe Awards winner na si Angelina Jolie na ilang ulit na naitala bilang pinakamataas tumanggap ng bayad sa lahat ng mga Holywood actress.
Kung tutuusin, hindi na nakapagtataka kung tanging si Mayor Isko Moreno Domagoso lamang mula sa mga halal na alkalde sa buong bansa ang napabilang sa pinakahinahangaang lalaki at babae sa buong Pilipinas dahil na rin sa kanyang mga ginawang malaking pagbabago sa lungsod sa loob lamang ng maikling panahon ng panunungkulan.
Sa katunayan, hindi lamang mga pinuno ng lokal na pamahalaan ang sumunod o gumaya sa kanyang mga programa at proyekto kundi mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ay humanga sa isinagawa niyang puspusang paglilinis o clearing operation sa mga pangunahing lansangan kaya’t iniutos ng Pangulo sa Department of Interior and Local Government (DILG) na ipatupad sa buong bansa ang clearing operation.
Si Mayor Isko rin ang nanguna sa pagpapasiyang isarado munang pansamantala sa panahon ng Undas ang lahat ng pribado at pampublikong sementeryo sa lungsod bilang paraan ng pag- iwas ng hawahan sa mapanganib na virus na dulot ng COVID-19.
Nanguna naman sa 10 sa mga hinahangaang lalaki at babae sa Pilipinas batay sa datus ng YouGov si Pangulong Rodrigo Duterte na nakakuha ng 19.67%, sumunod ang aktres, commercial model at fashion designer na si Angel Locsin na may 15.03 %, Senator at boxing superstar Manny Pacquiao na may 10.65%.
Pang-apat naman si dating Miss World Philippines 2016 at napiling 2018 Miss Universe Catriona Gray na may 11.09% bago sumunod si Mayor Isko Moreno na may 7.96%. (Gene Adsuara)
-
BIANCA, hinihintay na ng viewers kung paano makikipagbangayan kina ALICE at ANDREA
HINIHINTAY na ng mga viewers ng Legal Wives ang pangatlong wife ni Ismael Makadatu (Dennis Trillo), si Farrah, played by Kapuso young actress Bianca Umali. Maraming expectations ang mga viewers kay Bianca dahil isa siyang mahusay na actress, and she will play the youngest among the three wives of Ishmael. Ang first wife […]
-
Pinay Muay Thai athletes nagbigay ng 1st gold medal para sa PH
UMEKSENA rin nitong araw ang Women’s Wai Kru Mai All-Female event ng Pilipinas matapos magbulsa ng gold medal. Ang team ay binubuo nina Islay Erika Bomogao at Rhichein Yosorez na nakapagtala ng score na 8.68. Samantala, nauwi naman sa silver medal ang kampanya ng Fencing Women’s Team ng Pilipinas na kinabibilangan […]
-
Libreng sakay ng MRT-3 malaking ginhawa para sa mga APORs
Menos gastos at maginhawang biyahe ang dulot ng libreng sakay ng MRT-3 para sa mga bakunadong Authorized Persons Outside Residence (APORs), sa nagpapatuloy ng nasabing programa ngayong nasa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang NCR. Ayon sa mga bakunadong APORs, malaki ang naititipid nila sa libreng pamasahe araw-araw at magmula noong August 21. […]