Marcos Jr. nanumpa na bilang ika-17 pangulo ng Pilipinas
- Published on July 1, 2022
- by @peoplesbalita
MAGSISIMULA na ang termino ni Ferdinand Marcos Jr. bilang susunod na pangulo ng Pilipinas matapos ang matagumpay na inagurasyon sa National Museum of Fine Arts sa Maynila, Huwebes.
Tanda ito ng anim na taong panunungkulan ni “Bongbong,” matapos i-administer ni Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo ang kanyang panunumpa sa tungkulin sa makasaysayang gusali.
Tinatayang nasa 30,000 ang nagtungo sa panunumpa ni Marcos Jr., ayon sa Philippine National Police. Mahigit 18,000 pulis, sundalo, coast guard atbp. ang itinalaga sa lugar para siguruhin ang seguridad.
Ia-administer din dito ni Marcos ang mass oath-taking ng kanyang magiging Gabinete, pati na ang mga local government unit officials ng Ilocos Norte at Ilocos Sur.
Si Bongbong ang ikalawang Marcos na nanumpa bilang pangulo ng Republika ng Pilipinas matapos ang kanyang amang si Ferdinand Marcos Sr., na siyang nagpatakbo ng diktadura mula 1972 hanggang 1981 buhat ng pagdedeklara ng Batas Militar.
Matatandaang sa parehong venue, na kilala rin sa tawag na Old Legislative Building, ginanap ang inauguration nina dating Pangulong Manuel Quezon (1935), dating Pangulong Jose P. Laurel (1943) at dating Pangulong Manuel Roxas (1946).
Mula sa orihinal na venue sa Liwasang Bonifacio, inilipat naman ng mga militanteng grupo gaya ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) ang kanilang mga kilos-protesta sa Plaza Miranda.
Ayon kay BAYAN secretary-general Renato Reyes Jr., ito’y para na rin sa mapayapang pagdaraos ng kanilang demonstrasyon laban sa papasok na administrasyon at para na hindi maiwasan ang mga insidente sa mga taga-suporta ni Marcos Jr. Aniya, ni-request din ito sa kanila ng PNP.
“The venue holds historic significance in the anti-dictatorship struggle and is also a designated freedom park. The protest will be a counter-point to the Marcos inauguration,” ani Reyes kanina.
“It will highlight our continuing fight against historical revisionism and for the people’s demands.” (Daris Jose)
-
Steven Spielberg Explains Why The Lost World: Jurassic Park Wasn’t A Hit
STEVEN Spielberg talks about why The Lost World: Jurassic Park didn’t work, citing his own overconfidence. Fresh from his critical success of West Side Story, Spielberg’s legacy as one of Hollywood’s most successful directors speaks for itself through his many classics such as Jaws, E.T., Raiders of the Lost Ark, Schindler’s List, Saving Private Ryan, and Jurassic Park. […]
-
Halos 2-K kaso ng COVID-19, naitala ng DoH
NAKAPAGTALA ngayon ang Department of Health (DoH) ng karagdagag 1,936 na bagong kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) . Ito na ang pinakamataas na bagong bilang g bagong kaso sa loob ng isang araw kasunod nang naitalang 2,232 noong February 18. Ayon sa DoH, sa ngayon ay umakyat pa ang active […]
-
P25/kilong bigas hiling pabahain sa lahat ng palengke
MABILIS na inaprubahan ng House Committee on Agriculture and Food ang panukalang isama ang tobacco smuggling bilang economic sabotage. Napagkasunduan din ng komite na mag-draft ng committee report para i-endorso sa plenary ang panukalang batas na inihain nina Puwersa ng Bayaning Atleta party-list Rep. Margarita Nograles at Presidential son at Ilocos Norte Rep. […]