• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

President Marcos at VP Sara, dumalo sa misa sa unang araw ng trabaho

DUMALO kahapon ng umaga sa isang misa sina President Bongbong Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte-Carpio.

 

 

Pumunta ang dalawa sa San Miguel Church o National Shrine of St. Michael the Archangels sa lungsod ng Maynila, kung saan naging limitado lang ang bilang ng mga dumalo sa nasabing simbahan.

 

 

Pinangunahan ito nina Cardinal Jose Advincula at Cardinal Orlando Quevedo.

 

 

Nakasuot ng working short sleeves na barong sina Marcos at Duterte sa nasabing aktibidad.

 

 

Bigla namang dumami ang mga tao sa labas ng National Shrine, makaraang mabalitaan na naroon ang dalawang pinakamataas na lider ng ating bansa.

 

 

Ang San Miguel Church ay nasa loob ng Malacanang complex sa lungsod ng Maynila. (Daris Jose)

Other News
  • ANGEL, labis ang pasasalamat sa ginawang tribute ng FDCP bilang isa sa ‘Cinemadvocates’; tatanggap din ng IVR Award sa ‘4th EDDYS’

    NAGPASALAMAT si Angel Locsin sa ginawang tribute ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na kung saan isa siya sa ginawaran ng 2021 Cinemadvocates sa katatapos lang na 5th Film Ambassadors’ Night.     Post ni Angel, “Thank you @fdcpofficial for this heartwarming tribute. “Masuwerte lang ako na meron akong @neil_arce na hindi ako pinapabayaan at laging nasa […]

  • DepEd employees, pinasalamatan ni VP Sara sa pagseserbisyo sa kabataan

    PINASALAMATAN  ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang mga tauhan ng Department of Education (DepEd) dahil sa kanilang dedikasyon at pagmamahal sa pagseserbisyo sa mga kabataang Pinoy.     Sa kanyang pahayag, sinabi ni Duterte na mala­king pasasalamat niya sa mga tauhan ng DepEd sa patuloy na pagtatrabaho kahit na may banta pa […]

  • 2 drug suspects nalambat sa Navotas buy-bust

    ARESTADO ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos makuhanan ng higit sa P.6 milyon halaga ng shabu sa buy-bust operation ng pulisya sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.   Kinilala ni Navotas Police Chief Col. Rolando Balasabas ang naarestong mga suspek na si Michael Manalaysay, 41 ng M. Domingo St. Brgy. Tangos North […]