2 drug suspects nalambat sa Navotas buy-bust
- Published on October 30, 2020
- by @peoplesbalita
ARESTADO ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos makuhanan ng higit sa P.6 milyon halaga ng shabu sa buy-bust operation ng pulisya sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Navotas Police Chief Col. Rolando Balasabas ang naarestong mga suspek na si Michael Manalaysay, 41 ng M. Domingo St. Brgy. Tangos North at Jayson Esguera, 40 ng Silahis St. Brgy. Tanza 1.
Ayon kay Col. Balasabas, nakatanggap ng report ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa pagbebenta umano ng illegal na droga ng mga suspek sa lungsod kaya’t isinailalim sila sa monitoring at surveillance operation.
Nang makumpirma ang ulat, nagsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLT Genere Sanchez ng buy-bust operation sa M. Domingo St. alas-8 ng gabi na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek matapos bentahan ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na umaktong buyer.
Nakuha sa mga suspek ang aabot sa 101 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P686,000.00 ang halaga, buy-bust money at P500 bill.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Richard Mesa)
-
Sandro, iba pang Marcoses sa Ilocos Norte, pinroklamang panalo sa local polls
LAOAG CITY, Ilocos Norte- PINROKLAMA ng Commission on Elections (Comelec) ang political neophyte na si Sandro Marcos bilang panalo sa first district congressional race sa Ilocos Norte, araw ng Martes. “Maraming salamat sa tiwala at suporta ng aking mga kakailian. Napakalaking bagay po nito para sa akin dahil ito po ang unang beses […]
-
KORINA, proud na proud na pinost ang kanyang white bathing suit shot; fresh episodes ng ‘Rated Korina’ dapat abangan
MAY pasabog na naman na IG post si Korina Sanchez-Roxas bago matapos ang Tag-init na kung saan proud na proud niyang ibinalandra ang series of photos na suot ang white one-piece bathing suit. May caption ito ng, “Just sayin’. At my age, I don’t think twice about posting a good bathing suit shot. […]
-
Teves kinasuhan na ng multiple murder
SINAMPAHAN na kahapon ng kasong murder sa Department of Justice (DOJ) si suspended Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves, Jr. kaugnay ng pagiging utak umano sa pagpaslang kay Governor Roel Degamo at siyam na iba pa. Bago mag-alas-11 ng umaga nang dumating sa DOJ ang mga opisyal at tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa […]